🎶~And I found a very special love in you
It's a feeling that's so totally new
Over and over, it's burning insideAnd I found a very special love in you
And it almost breaks me in two
Squeezing me tighter
But I'm never gonna let go~🎶-❇️-
EVIE
Simula noong nakasama ko sina Rosella, Javen, at Vin sa mall ay napansin ko ang pagbabago sa iilang bagay. Una ay itong nararamdaman ko para kay Javen na mas lumalim pa ata. Simula noong araw na nakasama ko sila sa mall ay hindi na siya naalis sa isip ko. Sa tuwing nakikita ko pa ang drawing niya na maayos na nasabit sa dingding ng kwarto ko ay napapangiti agad ako. Para akong baliw na ngumingiti nalang bigla.
Pangalawa sa napansin ko ay tungkol sa pakikitungo sa akin ni Vin. Wala siyang sinasabi sa akin pero halatang-halata ang pagbabago sa mga gestures niya. Sa mga nakalipas na mga araw ay napapansin ko ang biglaang pagiging mabait niya sa akin, para bang matagal na kaming close kung paano niya ako ituring. May isang pagkakataon ngang tinanong niya ako kung may assignment na ba ako at nang sinabi kong gagawa pa ako ay ibinibigay niya mismo sa akin ang assignment niya para makopya ko. It's kinda creepy and I'm really confused kung bakit niya iyon ginagawa. Hindi ko tuloy mapigilang isipin-Ano bang nangyayari sa kanya?
Pansin ko rin ang napapadalas niyang pagsabay sa akin tuwing uwian. Hindi naman kami pareho ng hintayan ng jeep pero sinasabayan niya parin ako. At isa pa ay kapag tinutukso ako ng mga classmates namin kay Zac. Bigla nalang nag-iiba ang mood niya tuwing nangyayari iyon, para kasi siyang naiinis na ewan. Tulad nalang nang nangyari kanina habang naghihintay kami sa susunod naming klase.
"Oy, Evie. Blooming ah!" pabirong sabi ni Nicell sa akin. Tiningnan ko siya at kinunutan ng noo. Heto na naman sila sa mga hirit nila, parang araw-araw nalang ah.
"Oy, nagpapaganda si Evie para kay Zac!" dagdag naman ni Roulo sa pang-aasar kaya napasimangot ako. Sabay pa silang nagtawanan at mas tinukso ako. Ano ba ang trip ng mga ito?
Napahinto sila sa pangtritrip nila sa akin nang bigla na lang kumalabog ang pinto. Napatingin kami sa pinto at doon ko nakita si Vin na lumabas ng kwarto. A sudden silence envelope the entire room. Nabasag lamang ito nang magsalita si Carl a few minutes after Vin left.
"Patay kayo! Ginalit niyo si Vin!" Nilingon namin si Carl because of his statement. Ginalit? Si Vin galit? Bakit?
"Ginalit?" siya namang tanong ni Roulo. Nakafocus ang atensyon nila kay Carl dahil hinihintay nila itong sumagot.
"Hala! Crush ni Vin si Evie." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Aero. Crush? Crush niya ako?
"Hindi na pala Zavie ang love team ngayon. Evin na!" Tinukso pa nila ako lalo dahil sa sinabing yun ni Niña. Hindi ko mapigilang mairita lalo na at nagtatawanan pa sila. Bakit ako ang pinagtritripan nila? Hindi ko gusto ang ganito.
"Itigil niyo na nga yan," naiinis kong sabi sa kanila. Hindi ko na matiis ang kalokohan nila. Lumabas ako ng classroom namin at nagstay na lang ako sa library. Hindi na muna ako babalik ng classroom, mamaya nalang kapag linear algebra na namin. Baka hindi ko lang matagalan ang kalokohan nila.
Kinuha ko ang pinakaunang novel na nakita ko sa shelf. Hindi naman ako madalas dito sa library kahit na mahilig ako magbasa. May kasama naman kasi ako lagi kaya hindi ko naiisipang magsolo dito sa library. Ngayon ko lang ata kinailangang magstay dito... ngayong mag-isa ako.
Sinimulan ko nang basahin yung libro, kaso naalala ko bigla ang naging reaksyon ni Vin. Bakit ba siya nagalit sa akin? Crush niya nga ba ako? Naman o. Nakakakaba.
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Ficțiune adolescențiGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...