CHAPTER 58: GENERAL MEETING

232 10 0
                                    

EVIE

A couple of days passed nang matapos ang SLP. Nakauwi na si kuya galing France pero busy pa rin siya sa trabaho dahil sa mga sunod-sunod na schedule na meroon siya. Halos isang araw nga lang ata ang pahinga niya at ngayon ay balik na naman siya sa trabaho.

“Kuya, aalis na po ako,” paalam ko sa kanya nang maubos ko na ang kinakain ko. He’s also eating his breakfast habang busy niyang binabasa ang anumang meroon sa phone niya. I guess it’s about work again. Sina mommy at daddy naman ay maaga nang nakaalis dahil may appointment pa daw sila sa trabaho.

Tumayo na ako at kinuha ko ang bag ko na nasa kabilang upuan lang. Bago tuluyang umalis ay humarap ulit ako sa table at mabilis kong ininom ang milk na tinimpla pa ni mommy para sa akin. Hindi pa rin kami nag-uusap ni mommy pero hindi niya naman kinakalimutan ang tungkol sa pag-inom ko ng vitamins at gamot pati na ang gatas na dapat araw-araw kung iniinom. Si mommy talaga ang nagtitimpla ng gatas ko lalo na’t siya lang ang nakakaalam kung paano ko ito gustong inumin. Hinahanda niya ito lagi bago siya umalis for work kaya nga medyo gumagaan na ang loob ko ngayon dahil kahit na papaano ay inaalagaan pa rin ako ni mommy.

“Teka!” pagpigil sa akin ni kuya. Ininom na rin niya ang gatas niya at saka napatayo sa inuupuan niya. “Sumabay ka na sa akin. Ihahatid na kita sa school.” Nagningning naman ang mga mata ko dahil sa narinig.

“Talaga kuya?” masayang tanong ko. Tinanguan naman niya ako kaya mas napangiti ako lalo. “Ok!” sabi ko at sabay na kaming lumabas ng bahay. He opened the door of the car for me kaya pumasok na rin ako sa sasakyan. I buckled my seatbelt at inayos na ang pagkakaupo ko. Agad din kaming bumyahe para hindi kami maabutan ng traffic at baka ma-late pa ako sa klase.

"Evie," tawag no kuya sa akin.

"Po?" tanong ko at napatingin pa ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada habang nagmamaneho siya pero nilingon naman niya ako saglit.

"Bukas, wala akong appointment. Pupunta ako sa school niyo!" Natigilan ako sa sinabi niya. Seryoso ko siyang tiningnan at agad kong naitaas ang kilay. Hindi ko na nagawang magtanong pa dahil agad siyang nagsalita. "Diba gusto mong ipapakilala ako sa mga kaklase mo para maniwala sila sayo. Pupunta ako bukas para magawa natin iyon." I blinked my eyes a couple of times because of disbelief.

"Talaga kuya?" seryoso kong tanong. Pupunta talaga siya sa school para gawin iyon? Hindi nga!?

"Bakit naman hindi? Gusto ko itong gawin para hindi ka na mahirapan sa school. Alam kong problemado ka pa rin at labis itong nakakaapekto sa pag-aaral mo." Napahinga ako nang malalim at saka ko siya tinanguan. Tamang-tama si kuya sa sinabi niya. These problems are really affecting my studies, hindi kasi ako makapag-focus sa ginagawa ko dahil sa kakaisip dito.

"Ok naman po ako," I said para hindi na siya gaanong mag-alala. "These problems are really distracting me pero kaya ko naman po ito." Sinilip niya ako sandali and he smiled to me.

"That's the spirit. Ganyan ka lang dapat lagi, " he said at saka siya napangiti sa akin. Napangiti din naman ako sa kanya. It is really nice to know na kahit may pagsubok akong dinadaanan ay may sumusuporta pa rin sa akin. Nakakayanan ko ang lahat dahil alam kong hindi ako mag-isang lumalaban.

"Thanks kuya," nakangiti kong sabi. Tinanguan naman niya ako at nginitian ulit.

"Basta para sa little sister ko," sabi niya pa na mas nagpangiti sa akin. I'm really thankful to have a big brother like him, ang swerte ko sa kanya.

Ilang minuto lang ang lumipas ay narating na rin namin ang El Miranda University. Nang marating namin ang building ng College of Arts and Sciences ay inihinto agad ni kuya ang sasakyan. "Ang laki din pala ng El Miranda," aniya na inilibot pa ang kanyang tingin sa kabuuan ng school. I smiled while looking at him who is so amazed by my school.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon