VIN
“EVIE!” Nagulat kaming lahat nang biglaan nalang magbukas ang pinto. Si Evie na kanina pang nakayakap sa akin ay biglaang napabitaw sa akin at napalingon sa taong kapapasok lang.
“Kuya?” sabi niya na palipat-lipat ang tingin sa akin at sa kuya niya. I know she’s confused right now kung sino ba sa amin ang kuya niya. She can’t recognize us because she’s not wearing her eye glasses.
I breathe deeply saka ako nagsalita. “Si Vin to Ev!” sabi ko. Natigilan naman siya at saka siya lumingon sa akin.
“Evie, I’m here!” sabi naman ng kanyang kuya at saka ito lumapit sa amin. Hinawakan niya pa si Evie sa kamay nito at pinalingon sa kanya ang kanyang kapatid.
Kinuha ko ang eyeglasses ni Evie na nasa gilid lang at ibinigay ko ito sa kanya. Kinuha din naman niya ito sa akin at saka niya ito isinuot. She looked at me pero napalingon din naman agad siya kay Fonce na ngayon ay nakaupo na sa tabi niya. Tiningnan ko sila at saka ako tumayo para bigyan sila ng space na makapag-usap privately.
“Kuya, you’re here!” I heard Evie said. Napangiti siya sa kuya niya at nginitian din naman siya nito. Napalapit pa si Fonce kay Evie at saka niya hinaplos ito sa mukha. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanila. Na-aawkward ako sa ikinikilos nilang dalawa. Hindi ako sanay sa mga ganitong eksena lalo na’t kay Evie ko ito nakikita. Uncomfortable akong makitang sweet si Evie kasama ang ibang lalake kahit na kuya niya pa ito. Nagseselos ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Lumayo na ako sa tabi nila at tinabihan ko sina Carl na tahimik lang na nakatayo sa gilid. Tahimik lang kaming nakatingin sa kanila. “Ok ka na ba? Ano bang nangyari?” nag-aalala tanong sa kanya ni Fonce. Hindi siya sinagot ni Evie at instead ay niyakap lang siya nito. Fonce heave a sigh at saka niya hinagod ang likod ni Evie. Nang bumitaw si Evie sa pagkakayakap sa kanya ay hinawi din ni Fonce ang mga nagkalat na buhok sa mukha ni Evie at pinunasan ang mga luha nito na tumutulo na ngayon sa kanyang pisngi.
“Psst...” Napatingin naman ako kay Carl nang gawin niya iyon. Naitaas ko pa ang aking mga kilay nang lingunin ko sila. Lahat kasi sila ay diretso lang ang tingin sa akin at sinusuri ako. I mouthed the word ‘what?’ to them at kinunutan ko sila ng noo. Seryoso lang naman nila akong tiningnan.
“Diba si Tyron yan? Kuya siya ni Evie?” pabulong na tanong sa akin ni Arjean na hindi mapigilang titigan ang kuya ni Evie. Nakalimutan ko na hindi pala nila alam na kuya ni Evie si Tyron Lee. Ako at si Achel palang ang nakakaalam tungkol sa totoo.
I breathe deeply at saka ako tumango. Ayaw ko nang magsalita pa at dagdagan ang sagot ko. Sa tingin ko kasi’y hindi ako ang tamang tao na dapat magsabi sa kanila ng totoo. Evie decided to keep this a secret to everyone kaya siya rin dapat ang magreveal nito sa kanila. Ayaw ko siyang pangunahan dahil alam kong may plano siya at pinaghandaan niyang mabuti ang tungkol dito.
Hinarap ko ang mga kaklase ko at sinenyasan ko ko sila na lumabas na muna kami ng clinic. Kahit na nagtataka ay sumunod pa rin sila sa akin sa labas. Nabigla nga ako nang makitang naghihintay pala sa amin ang iba naming mga kaklase. Sinalubong pa nila kami ng mga tanong but when I said to them na kumalma muna sila ay natahimik din naman ang lahat. Naghanap kami ng mauupuan pero nang makitang wala kaming maayos na mauupuan ay napagdesisyonan naming maupo nalang sa hagdanan. Halos maoccupy na nga namin ang buong stairs dahil sa dami namin.
Pagkaupo agad namin ay tinapunan na agad nila ako ng mapanuring tingin. “Sabihin mo nga, ano ba ang totoo?” kunot noong tanong ni Carl sa akin. Agad din naman akong nag-iwas ng tingin sa kanila at diretsong napatingin sa mga estudyanteng nasa malapit lang. Base sa mga kilos ng mga ito, you can tell na sila iyong mga estudyanteng narinig naming nag-ingay kanina nang dumating si Fonce. I’m sure that they are excited dahil nandito sa school namin ang isang Tyron Lee na sikat ngayon sa showbiz. Fans niya siguro ang mga ito.
Nagbaba ako ng tingin sa lupa dahil hindi ako makapagfocus sa pag-iisip, hindi kasi ako komportable sa mga tingin ng mga fans ni Fonce. You can see in them this investigating gaze. I’m sure they are curious kung ba’t nasa clinic kami kasama ang idolo nila. Nang maalis na sa utak ko ang tungkol sa fans ni Fonce ay sinagot ko na ang tanong nila. Si Carl man ang nagtanong no’n, alam kong iyon rin ang tanong ng lahat.
Anong nangyayari? A generalization of all the questions they have.
“Huwag ako ang tanungin niyo,” panimula ko bilang sagot sa tanong ni Carl. I’ve decided to let Evie tell them the truth. Mangengealam lang ako kung kailangan na talaga. At sa ngayon, dahil hindi pa naman masyadong magulo ang bagay, hahayaan ko nang si Evie ang magsabi sa kanila ng totoo. “Evie will tell you everything, pakinggan niyo lang siya,” pagpapatuloy ko.
Saglit lang kaming natahimik dahil nagtanong din naman ulit sila katagalan. “Kailan mo pa ito alam?” Nicel’s question made me think. Nilingon ko ulit sila and I heave a really deep sigh.
“Last month pa,” sagot ko. Nakita ko ang pagbuntong hininga ng mga kaklase ko at ang mga malungkot at nasasaktan nilang tingin. Now, I understand how pressured Evie is. Kung ganito ang magiging reaksyon ng mga kaklase namin ay tiyak na bibigat talaga ang loob ko.
“Matagal-tagal na rin pala,” aniya na napayuko pa.
“Bakit hindi ito nasabi ni Evie?” tanong naman ni J-Arl. Nakaupo siya sa tabi ni Achel at nasa duluhan pa ng hagdanan kaya nag-angat siya ng tingin para makita ako na nasa taas pa. Napahinga ulit ako nang malalim.
“Sinubukan niya, pero wala namang naniwala,” I answered. Gusto ko nga rin silang sisihin dahil matagal na itong natapos kung binigyan lang nila ng chance si Evie na magsalita. Tinuring nilang joke ang sinabi niya kaya ganito pa rin ang lahat, hindi pa rin ito naayos ni Evie. Natigilan naman sila dahil sa sagot ko. Natahimik pa silang lahat na mabilis na napayuko. Bigla kaming natahimik. Nagkaroon ng awkward atmosphere sa pagitan naming lahat, pero ang katahimikang ito ay bigla ring nawala nang bigla nalang napasigaw si Drei.
“Hala!” ani nito kaya napatingin kami sa kanya. “Totoo pala iyong sinabi niya?” Napatayo pa si Drei at hinarap kami. “Tinawanan ko lang noon si Evie, ang akala ko ay nagbibiro lang siya.” Naitaas ko ang kilay ko sa tinuran niya. Ngayon palang niya narealize? Ang slow din niya ako!?
“Kaya simulan niyo nang mag-sorry!” sabi naman ni Achel kaya kinunutan siya ng noo ng mga kaklase namin. Tinitigan pa siya ng iilan at sinamaan ng tingin.
“Bakit kami lang? Eh ikaw pala?” tanong sa kanya ni Niña. Achel smiled awkwardly.
“Nakapagsorry na ako sa kanya,” nahihiya niyang sabi. The girls raised their eyebrows at diretsong tiningnan si Achel.
“Alam mo na rin pala?” tanong ni Drei sa kanya. Achel slowly nod.
“Oo, noong SLP. Nakapag-usap kami tungkol doon,” nahihiya niyang sagot. Drei frowned at sa sabay na napayuko.
“Ah! Naman oh!” sabi nito na napaface-palm pa. Natahimik kaming lahat ulit. No one dares to speak lalo na sina Drei na inaalala ang mga nasabi nila kay Evie noong sinubukan nitong mag-confess sa kanila. Nabulabog lang ang katahimikan namin nang may tumakbong babae’t lalake papuntang clinic. They were panting heavily nang huminto sila sa harapan namin.
“Excuse me! Nasa loob ba si Tane, Evie?” Hinihingal na tanong ng babae. She’s sweating and she looks really worried. Nagkatinginan pa kami pero agad din kaming tumango.
“Opo!” we said in unison. Tumayo agad kami sa inuupuan namin para makapasok sila sa loob ng clinic. Nahaharangan kasi namin ang pinto ng clinic dahil sa hagdanan kami paakyat ng clinic umupo.
“Salamat!” aniya at tumakbo na siya papasok sa loob ng clinic kasama ang lalakeng kasama niya.
“Sino ’yon?” tanong ni Niña sa akin na sinundan pa ng tingin ang dalawa. I shrugged as an answer to her question.
“Ewan ko,” I said dahil hindi ko naman kilala ang mga iyon. Ngayon ko lang sila nakita.
“Baka parents iyon ni Evie,” biglang sabi ni Nicell kaya namilog ang aking mga mata. Parents ni Evie? Baka nga!
~☆~
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...