JAVEN
After ng graduation ceremony namin, we went to a hotel for our farewell party. Mostly ng pumunta sa farewell party ay mula sa section nina Evie. Kasama na din doon ang mga members ng mga known clubs and organizations sa school at may iilan ding students na mula sa ibang section. Kaith, the valedictorian is the one who arranged this farewell party. Karamihan sa mga dumalo ngayon ay kilala niya.
“Okay! Before we proceed to our eating-eating—” Napatawa kaming lahat sa sinabi ni Kaith na eating-eating. Hindi namin inaasahan ang pagjo-joke niya nang biglaan.
Ito ba talaga ang valedictorian namin? Parang hindi ah! Kailan pa ito naging joker?
“—we will first have a little game. Diba I ask you to bring small things na pwede niyong iregalo? Yung maliliit lang talaga na pwede mong bitbitin lang. And also, pinadala ko rin kayo ng empty farewell card.” Tiningnan ni Kaith ang lahat habang nagsasalita siya. Tumango kaming lahat bilang pagsang-ayon sa kanya.
“Now, susulatan niyo na ang card na iyon. Choose someone na nandito ngayon na pagbibigyan ninyo ng gift at card. But remember, sa magkaibang tao ninyo ibibigay ang card at ang gift ha? Kung baga ay dalawang tao ang pagbibigyan niyo, one for the gift and one for the card.”
Napatingin agad ako kay Evie nang marinig ko iyon kay Kaith. Nagbaba din naman ako ng tingin at tiningnan ko naman ang hawak kong box na naglalaman ng regalong plano kong ibigay. Mukhang ito na ang tamang pagkakataon na dapat kong ibigay ito kay Evie, but I’m not sure if ito na nga ang time na magpapakilala ako sa kanya bilang si My Prince. I’m not yet ready to introduce myself and tell her the truth.
“Kaith, paano kung ayaw kong malaman ng bibigyan ko na ako ang nagbigay sa kanya nito?” biglang tanong ni Barry kaya napatingin sa kanya ang lahat. Kasamahan ko siya sa journalism kaya naging magkaibigan kami niyan. Sadyang maloko lang talaga iyan at matinik sa babae.
Pero hindi ko maiwasang mapaisip dahil sa sinabi ni Barry. Oo nga naman. Paano kung ayaw kong ipaalam sa pagbibigyan ko na sa akin galing ang regalo. I can give this to her without telling her who I am. In that case, hindi niya malalamang ako si My Prince.
“Oh! So may mga secret admirers pala dito?” panunuksong sabi ni Kaith na binigyan pa ng mapanuring tingin si Barry. Napatawa naman ang lahat. Nahulog ako sa isang malalim na pag-iisip. Napalingon ako kay Evie at saka ako napangiti.
SECRET ADMIRERS? Parang ako lang iyon ah!
Saglit na nag-isip si Kaith at agad din namang nagsalita. “Okay! Ganito nalang, diyan sa inuupuan niyo ay mag-iiwan kayo ng box na may pangalan ninyo. Lalabas tayo ng room at isa-isa ulit tayong papasok to place our gift para doon sa dalawang taong napili natin. After nating mailagay ang gift at card natin ay lalabas din tayo ulit. Hihintayin nating matapos ang lahat bago tayo babalik sa loob. Okay na ba yun?” mahabang paliwanag ni Kaith. Nagkatinginan naman ang lahat bago nagtanguan.
“Okay!” sagot pa namin. Napabuntong hininga nalang ako habang tinitingnan ko ang mga kasamahan kong excited na. Kinakabahan talaga ako.
This is it! Ibibigay ko na talaga ito sa kanya.
Naghanda na ang lahat at sabay-sabay na kaming lumabas ng room. Naghanap agad ako nang pwede kong pagpwestuhan kung saan ko ipre-prepare ang ibibigay ko. Napadpad ako sa isang bahagi ng garden kung saan tahimik at may pwedeng maupuan. Doon na ako pumwesto dahil halos lahat ay nagsusulat na. Ipinatong ko sa bench ang papel na dala ko at nagsimula na akong magsulat.
‘Ilagay mo ang SD card sa phone mo.
I have something there for you.’I just wrote it as simple as I can. Ayaw ko nang gumamit ng flowery words lalo na’t hindi naman iyon gusto ni Evie. Ang gusto ko lang ay ang ibigay ang SD card na ito sa kanya. This will explain everything to her, this will tell her how much I feel about her.
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...