CHAPTER 63: EVIE'S BIRTHDAY

240 9 0
                                    

EVIE

OCTOBER 2

Nagising ako dahil sa pagtunog ng aking alarm clock. Napabangon ako at saka ko ito pinatay. Nag-inat pa ako nang konte at saka ako naglakad papuntang banyo. I just did my daily routine bago ako bumaba sa kusina para mag-almusal.

“O hija, gising ka na pala?” bungad sa akin ni yaya nang makita niya ako. “Ang aga mo namang gumising,” dagdag niya kaya napangiti nalang ako. Umupo ako sa stool sa counter ng kusina at pinanood lang si yaya na nagluluto ng agahan. She’s currently slicing the meat at si ate Geneva na isa pa naming katulong ang nagluluto ng sausages. “Excited ka ba sa birthday mo?” biglang tanong ni yaya kaya naiangat ko ang aking tingin mula sa hinihiwa niyang karne papunta sa kanya. Napangiti ako at saka ako tumango.

“Opo ya,” medyo nahihiya ko pang sabi. Agad din namang nawala ang aking ngiti when the truth hits me. “Kaso nga lang po ay wala naman tayong party.” It’s my 18th birthday and the thought about having a party really excites me, pero wala naman kaming malaking celebration kaya nakakalungkot talaga. “Sina Rose lang ata ang makakapunta ngayon. Hindi na kasi tayo nakapaghanda dahil sa pagkakasakit ko,” dagdag ko. Nakita ko naman ang pagsilay ng malungkot na ngiti sa labi ni yaya Cia.

“Ok lang iyon hija. Ako nga noong kabataan ko ay wala naman kaming party na tulad ng meroon kayo ngayon.” Seryoso akong napatingin kay yaya. Bigla akong nacurious dahil sa sinabi niya.

“Talaga po? Eh paano po kayo nagcecelebrate ng debut niyo?”

“Para lang iyong karaniwang kaarawan namin, minsan nga ay wala pa.”

“Ah! Ganoon po ba?” Ang swerte pala ng ibang kabataan ngayon dahil pinaghahandaan talaga sila ng mga magulang niya tuwing birthday nila. May mga pamilya talaga na hindi makayanang bigyan nang magarang selebrasyon ang mga anak nila.

“Evie!” Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko si mommy na tawagin ako. Napalingon agad ako sa kanya.

“Mom! Andito po ako,” sabi ko. Pumasok si mommy sa kusina at nilapitan agad ako.

“Akala ko ay kung saan ka na nagpunta. Ba’t ang aga mo atang gumising ngayon?” Napangiti ko. I’m just so happy na kinakausap na ako ulit nina mommy. I think we are now ok. Ilang linggo din kaming tahimik sa isa’t-isa at nag-iiwasan.

“Wala lang po mom,” simpleng sagot ko. Nahihiya naman akong sabihin sa kanya na sa sobrang excitement ay hindi ako gaanong makatulog. Baka kantsawan pa ako nina mommy.

“Matulog ka na muna para hindi ka mapagod mamaya dahil aalis tayo mamayang 10 AM para pumunta kina mama. They prepared something small for your birthday.”

“Talaga po?” I’m touched na naalala pala nila lola ang birthday ko.

“Sige na Evie, matulog ka na ulit para hindi ka mapagod. Dadating pa mamayang hapon ang mga kaibigan mo.” 

“Ok po.” Tinanguan ko si mommy. Tumayo na ako at lumabas na ng kitchen. Agad akong umakyat sa second floor at tinungo ang kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong nahiga at ipinikit ang aking mga mata. I tried to calm my mind and find peace.

3 Minutes passed.

5 Minutes passed.

10 Minutes passed.

15 Minutes passed.

Iminulat ko ang aking mga mata at agad na napareklamo. Labing limang minuto na ang lumipas pero hindi na ulit ako dinalaw ng antok. Sa oras na ipinikit ko ang aking mga mata ay naiisip ko agad ang tungkol sa birthday ko. Ewan ko ba, pero excited talaga ako. Hindi ko naman alam kung saan ako naiiexcite? Wala naman kaming gagawing malaking celebration na magiging rason ng pagkaexcite ko nang ganito.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon