Chapter 01 | Your Secret is our Secret

1.3K 22 0
                                    

EVIE

Maaga akong nagising ngayon dahil sa makulit kong alarm clock. Binago pala ni kuya ang pagkakaset ng alarm kaya 4 o’clock in the morning pa lang ay gising na ako. Sinubukan ko ulit na matulog, kaso hindi na ako ulit dinalaw ng antok. Kaya ’yun, naghanda na lang ako para pumasok sa school.

It’s been two months nang magsimula ang pasukan and I am starting to be comfortable with the new school year and with my new classmates. Me and my friends made new friends. Kaklase ko pala si Ezzia na classmate ko noong first year ako kaya ipinakilala ko na siya kina Rosella and nagkasundo naman sila, agad ngang naging close si Ezzia and Airyl. We also befriended two new classmates who are also an otaku like me and Rose, they are Tredith and Magie na adik na adik talaga sa anime. Tredith is quiet boyish pero makakasundo mo naman siya sa maraming bagay. She’s athletic and funny kaya hindi ka maiilang sa kanya. Magie is also funny at times pero there are times na seryoso talaga siya.

And there’s my old friends:

Rosella — who’s playful and sweet. A certified otaku and acts as the youngest.

Jemy — who’s also playful but is serious most of the time. She’s a smart girl and a good leader.

Leilyn — the group’s fashionista and self proclaimed casanova. She’s not a playgirl but she has the most number of boyfriend among us. And there’s...

Airyl — the group’s mom, very responsible and kind but when she’s with us she becomes playful and funny. She likes to cook and she’s really into fashion like Leilyn.

Iyong makulit naming barkada mas naging makulit pa dahil sa tatlong nadagdag sa amin.

After kong kumain ay nagpahatid na ako sa school, mamayang hapon pa ang klase ni kuya kaya iniwan ko na siya sa bahay. Dumating ako sa school by 6:30 AM kaya dumiretso na ako sa classroom namin para doon na maghintay ng flag ceremony.

Pagpasok ko sa classroom namin ay si Jemy agad ang nakita ko. Siya pa lang ata ang nandito. Himala na maaga siya ngayon, hindi naman kasi ito pumapasok sa school nang ganito kaaga.

Seryoso ko siyang tiningnan nang maglakad ako papunta sa upuan ko. Tahimik lang siyang nakaupo sa may gilid at nakatingala pa sa kesame habang nakatulala. Mukhang malalim ang iniisip nito at parang hindi pa ako napansing pumasok. Nag-iwas na muna ako ng tingin at nagdirediretso na ako papunta sa upuan ko para ilagay doon ang mga dala kong gamit. 

“Jem, good morning,” bati ko sa kanya habang inaayos ko ang backpack ko. Binati ko na siya para mapansin na rin niya ako. Mukhang wala talaga kasi siyang balak na pansinin ako, wala ata siya sa sarili ngayon eh.

Ilang segundo ang lumipas nang lingunin ko siya dahil hindi siya nagreply. Agad kong naikunot ang aking noo.

“Wala man lang reply? Hindi niya ba ako narinig?” bulong ko sa sarili ko. Napabuntong hininga pa ako. 

Ano bang nangyayari sa isang ’to?

“Jemy!” tawag ko sa kanya at sabay akong napalapit sa kanya. Napahinto ako sa paglalakad nang hindi pa rin niya ako sinagot.

Hala! Nabingi na talaga ata.

“Hoy Jemy!” pag-uulit ko. Sa frustration ko ay tuluyan na akong lumapit sa kanya at kinalabit siya. Sa gulat niya ay napatalon pa siya at sinamaan ako ng tingin.

• • •

JEMY

Napabuntong hininga ako pagpasok ko sa classroom namin nang mapagtanto kong ako pa lang ang nandito. Mukhang napaaga talaga ako. Napabuntong hininga ako ulit. Ibinaba ko ang bag ko sa aking upuan at saka ako naglakad papunta sa gilid ng classroom namin kung saan nakapwesto ang malaking bintana. Naupo ako doon at napatingin sa labas.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon