“Prepare your heart to any possibilities...in that way, you will never be bitter.”
©Anonymous—❇️—
EVIE
Ang bilis talaga ng panahon, it’s already March and three days from now ay gaganapin na ang closing ceremony namin sa school. Parang dito nga lang ako naiexcite, ’di tulad noong prom night namin na sobra talaga akong na-bored. Isa kasi ako sa makakatanggap ng awards bilang outstanding student sa section namin kaya ganito nalang ako ka-excited.
Break namin ngayon kaya sabay-sabay kaming lumabas nina Rosella, Jemy, Airyl and Magie sa classroom namin. Nagpaiwan naman sina Ezzia, Tredith, at Leilyn kaya kaming lima lang ang pumunta sa canteen para mag-recess.
The canteen is crowded nang marating namin ito. May mga students nang nakapwesto sa mga table at kumakain at ang iba naman ay nakapila pa. Agad din naman kaming pumila bago pa man ito mas humaba.
“Ate, isang burger po,” sabi ni Jemy nang makalapit kami sa counter. Itinuro niya pa ang chicken burger na nasa menu. Natatawa naman kaming napatingin sa kanya.
“Grabe Jemy, hindi ka ba nabubusog?” sabi ni Rose sa kanya na hindi talaga mapigilan ang pagtawa. Ang dami na kasi niyang inorder at dinagdagan niya pa ng burger. Nilingon kami ni Jemy at saka tinaasan ng kilay.
“Ano na naman ang problema ninyo sa akin?” kunot noo niyang tanong. We smiled playfully at sabay-sabay naming tiningnan ang tray na hawak niya. May laman na itong pasta, pork siomai, lasagna, and a large size cola.
Hindi ba sasakit ang tiyan niya diyan?
Sumimangot naman siya at hinarap ulit si ate. Napatawa nalang kaming apat.
Nang makuha na niya ang burger niya ay naghanap na kami ng mauupuan. We found a vacant table sa duluhan ng canteen kaya agad kaming lumapit doon. Inilapag ni Jemy ang tray niya at agad na nilantakan ang pasta at sinunod naman niya ang siomai na binili niya. Ang takaw talaga nitong si Jemy pero kahit anong kainin niya, hindi pa rin siya tumataba.
Pagkatapos kumain ay hindi muna agad kami bumalik sa classroom. Wala namang klase kaya okay lang na gumala muna kami sa campus. We decided to stay in the gymnasium at manuod ng practice game ng mga varsity players ng basketball team sa Newman. Magie influenced us to watch lalo na’t isa sa naglalaro ay crush niya.
Ang sabi niya ay may laro daw ang basketball team ng Newman ngayong first week ng summer laban sa isa pang school. Araw-araw daw ito kung mag-practice and ito namang si Magie ay araw-araw ding nanunuod.
Sa pangunguna ni Magie ay nagchecheer kami everytime na nakakashoot ang crush niya. Naging instant cheerleader kami nito bigla kahit hindi naman talaga namin siya kakilala.
“Hi girls.” Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita and we saw Javen smiling.
“Kuya Jave!” Ngumiti si Rose sa kanya at saka ito kinawayan. Napangiti naman sa kanya si Javen na lumapit pa talaga sa amin at tinabihan kami sa pag-upo.
“Anong ginagawa niyo dito?” agad niyang tanong. Napatingin ulit ako sa mga naglalaro at hinayaan nalang sila ni Rosella na mag-usap. I’m sure na hindi naman kasi ako ang ipinunta niya rito.
“Woah!” malakas pa ring pag-cheer ni Magie nang makashoot ulit si Harvey. Napangiti nalang kami nina Jemy at Airyl at nakipalakpak na rin sa iba pang nanunuod. Nakakatuwang tingnan si Magie na ang lawak ng ngiti habang nakatingin sa binata.
Harvey is a 12th grader GAS student in our school. He’s a varsity player at kahit hindi siya ganoon kasikat tulad ni kuya ay marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya, count Magie as one.
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Fiksi RemajaGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...