“Let your heart be stronger than your mind, but let your mind be wiser than your heart.” ©Anonymous
—❇️—
JAVEN
Nakaupo ako kasama si Baille at tinitingnan ang mga tao na pumapalakpak habang naglalakad si Evie papunta sa harap. Natutuwa ako na nagustuhan niya ang hinanda naming surprise party para sa kanya. Sina Leilyn ang nagplano ng lahat at kinunsyabo niya kami. Isa rin ako sa nagprepare ng ilang kakailanganin sa party ni Evie tulad nalang dito sa venue at sa pagkaing inihanda ngayon.
“We will make this celebration magical.” Sabi ni Leilyn saka siya napalingon kay Evie. Leilyn is introducing one part of the program. “Evie, we have these 18 songs that describes you most. These songs will be sung by the people that has been a part of your life.” Lumingon si Lei sa parents ni Evie at pinakilala sila. “Let’s welcome—Mr. and Mrs. Tane for the first song.”
Umakyat ang parents ni Evie sa stage at tumayo sa tabi niya. Nagsimula nang tumugtog ang music at nagsimula na ring kumanta ang mga magulang niya.
“🎶~God gave me you
to show me what’s real
There’s more to life
than just how I feel~🎶”Napangiti ako nang marinig ang kanta nila, naalala ko tuloy ang panahong kinantahan ko nito si Evie.
Pagkatapos nilang kumanta ay umakyat naman ang kasunod. Nagulat ako nang umakyat sa stage ang lalakeng iyon—that man who I recognised as Evie’s boyfriend.
Naikunot ko ang aking noo. Naiinis ako. Bakit kasi siya ang kasama ni Evie ngayon? Siya pa nga ang escort niya. Tsk! I really want to stand in that man’s place, I really want to be with Evie. Naiinggit ako sa kanya.
“Hi lil’ sis.” Natigilan ako. I was currently enjoying my drink nang marinig ko iyon. Lil sis? As in little sister? Lumapit siya kay Evie at tumayo sa tabi nito. “This song is for you,” he continued. Nagsimulang tumugtog ang music at kumanta na din siya.
“🎶~Nasa iyo na ang lahat,
Minamahal kita pagkat,
Nasa iyo na ang lahat,
Pati ang puso ko oh~🎶”Wait! He’s Evie’s brother? Kuya siya ni Evie—WHAT!?
Ang ingay na ng mga tao dahil nakakatawang paraan ng pagkanta ni Fonce, everyone is laughing and cheering maliban sa akin. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa nalaman ko. Kuya ni Evie si Fonce?
Diretso ang tingin ko sa dalawa. Nakangiti si Evie habang nakatingin kay Fonce na kumakanta sa tabi niya. Kahit anong gawin ko parang ayaw talagang mag-sink in sa utak ko ang mga nalaman ko ngayon lang. Did I heard it all wrong? Hindi ata ako nakapaglinis ng tenga.
Matapos kumanta ni Fonce ay tumingin siya kay Evie. “Evie, kahit na wala naman talagang perpektong tao pero para sa akin and for all the people who loves you—nasa iyo na talaga ang lahat.” Nilapitan siya nito at hinalikan sa kanyang pisngi. “I love you Evie.”
“Thanks kuya. I love you too.” Evie replied. Hindi katagalan ay bumaba na rin ng stage si Fonce at umakyat na ang kasunod. Sinundan ko naman siya ng tingin. Hindi ko talaga alam na magkapatid pala sila ni Evie.
•••
Kumakain kami ni Rosella nang may ibigay siya sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at saka ko ibinaba ang tingin ko sa bigay niya.
“Ano naman ’to?” Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
“Hindi ba obvious? Flowers yan!” Nakakunot ang noong sagot niya. Sinimangutan niya pa ako kaya napabuntong hininga nalang ako. Sabay pa akong napailing.
![](https://img.wattpad.com/cover/14467047-288-k9500.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...