CHAPTER 54: TERNO

223 9 0
                                    

EVIE

Nagising ako dahil sa mahinang ingay na naririnig ko. Nagmulat ako ng aking mga mata at tiningnan ang pinagmumulan ng ingay na ito. Hindi naman ito masakit sa tenga ngunit sapat lang para gisingin ang diwa ko.

Napabangon ako agad nang makita ko si Ezzia na nag-aayos ng mga gamit niya. Nasa harapan ko lang siya at mukhang hindi niya pa napapansin na gising na ako. Hindi na ako gumawa pa ng ingay dahil ayaw kong abalahin siya. Sobra-sobra na kasing abala ang naidulot ko sa kanila kagabi palang.

Naupo ako nang maayos at inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto namin. Pilit akong nag-isip at inalala ko ang mga nangyari kagabi. Napahinto ako sa aking pag-iisip nang nagproseso na nang tuluyan sa aking isipan ang kinaroroonan ko.

Bakit nakahiga ako sa kama namin ni Ezzia? Ang naaalala ko ay nakaupo lang ako sa sahig kagabi habang nakasandal sa pinto at umiiyak. Paano ako napunta dito sa kama namin ni Ezzia kung doon ako pumwesto kagabi? Alam kong nakatulog ako habang umiiyak kaya sigurado akong hindi ako nahiga sa kama namin. Nagsleep walk ba ako?

“Ev! Good morning,” biglang sabi ni Ezzia kaya nilingon ko siya. Lumapit siya sa coffee table at kinuha dito ang isang tray saka ako nilapitan. “Kumain ka na. Ipinaghanda ka namin ng breakfast.” Inilapag ito ni Ezzia sa harapan ko at naupo din siya sa tabi ko.

“Ez, bakit nag-abala ka pa. Pwede naman akong lumabas para doon na kumain,” sabi ko nang makita ang laman ng tray. Nakahihiya naman sa kanila.

“Ok lang,” aniya at ngumiti pa siya. Napangiti nalang din ako.

“Uhm... Ez, iyong tungkol kagabi—” Napailing agad siya kaya napahinto ako sa pagsasalita. Hinawakan niya ang kamay ko at napailing ulit siya.

“It’s ok, sinabi na sa amin ni Vin ang lahat. You didn’t do anything wrong, we all understand.” Napayuko ako. Kahit na sinabi niya iyon ay hindi ko pa rin mapigilang malungkot. Nginitian ko nalang siya kaya napangiti na rin siya.

“O sige na, kumain ka na.” Tumango nalang ako at inabot na ang kutsara at tinidor saka ako nagsimulang kumain.

“Uhm... Ez, sino ba nagbuhat sa akin?” tanong ko. Alam kong nilipat lang nila ako sa kama dahil wala naman akong history ng sleepwalking. Kung nakatulog man ako kagabi sa kaiiyak, dapat ay nasa sahig ako at hindi sa kama.

“Ha? Ah...si Vin,” sagot niya at nginitian pa ako.

“Ah.” Tumango nalang ako at patuloy na kumain. Siya pala ang bumuhat sa akin. Ano ba kasi iyong ginawa ko kagabi? Nakakaabala na tuloy ako sa mga kaibigan ko.

Tumayo na muna si Ezzia at pinagpatuloy ang ginagawa niya kanina. “After mong kumain ay magbihis ka na. Magsisimula na din kasi ang event mayamaya.” Tinanguan ko naman siya.

“Ok!” sagot ko at pinagpatuloy ko na ulit ang pagkain. Nang matapos ni Ezzia ang ginagawa niya ay hinarap niya ulit ako.

“Ev, babalik na muna ako sa station natin. Tutulungan ko lang sila sa paggawa ng banner natin. Kailangan na kasi natin itong matapos ngayon,” pagpapaalam niya na nagpahinto sa akin sa pagkain. Banner? Oo nga pala, nakalimutan ko ang tungkol dito.

“Hintayin mo nalang ako, patapos na rin ako.” Binilisan ko pa ang pagkain ko at inubos ko ito agad. 

“Ev, dahan-dahan lang,” aniya at napatawa pa siya. Hindi ko na pinansin ang komento niya at agad kong inubos ang pagkain ko para matulungan ko sila sa banner namin.

Nang matapos akong kumain ay uminom din agad ako ng tubig. Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Ezzia.

“Ev, ang gamot mo.” Napangiti ako dahil sa paalala niya. Muntikan ko na namang malimutang uminom ng gamot, mabuti nalang at pinaalalahanan niya ako. Hinanap ko agad ang pouch ko at kinuha dito ang mga gamot ko.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon