Chapter 78 | Knowing The Truth ℹ️

265 9 0
                                    

"Maraming napapasama sa maling akala. Mag-isip muna bago gumawa ng haka-haka."

~❇️~

JAVEN

Sa loob ng apat na taong nakakasama ko si Evie ay inakala ko talaga na si Fonce na kuya niya ay ang boyfriend niya. Hindi ko naman kasi alam na may kapatid siya kaya ganoon nalang ang interpretasyon ko sa mga gestures nila sa isa't-isa.

Sa tuwing nakikita ko silang magkasama ay iniisip ko lang lagi na magsyota sila. Lahat kasi ng mga na-observed ko sa kanila ay parang pinapatunayan lang na si Fonce nga ang boyfriend ni Evie. Pero ang mga akalang iyon ay mali palang lahat. Iba lang talaga ang pagkakaintindi ko sa mga gestures nila sa isa't-isa. Nabulag ako dahil sa sobrang selos na nararamdaman ko.

All that wrong interpretations was disproved by what I witnessed earlier. The escort and Evie's second dance was introduced as her big brother. Bakit hindi ko ba nalaman ang tungkol dito? Alam ko naman ang halos lahat ng tungkol sa kanya pero bakit ito hindi? Bakit hindi ko alam na magkapatid pala silang dalawa?

Naihilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha nang maalala ko ang nangyari kanina.

---

Matapos kumanta ng mga magulang ni Evie ay bumaba na sila ng ng stage. Sunod namang umakyat sa stage iyong Fonce na siyang boyfriend ni Evie. Agad ko pang naikunot ang aking noo nang tingnan ko siya. Naiinis kasi talaga ako. Bakit siya kasi ang kasama lagi ni Evie? Siya pa nga ang escort niya ngayon. I really want to stand in that man's place, I really want to be with Evie. Naiinggit ako sa kanya.

"Hi lil' sis." Natigilan ako sa aking narinig mula sa kanya. Nakatingin siya kay Evie at nakangiti pa.

Lil sis? Little sister?

"This song is for you," dagdag nung Fonce at nagsimula na siyang kumanta. Hindi ko naman maialis ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"🎶~Nasa iyo na ang lahat
Minamahal kita pagkat
Nasa iyo na ang lahat
Pati ang puso ko oh~🎶"

Am I really hearing it right? He's Evie's brother? Kuya talaga siya ni Evie? WHAT THE!?

Diretso kong tiningnan ang dalawa. Nakangiti si Evie habang nakatingin kay Fonce na kumakanta sa tabi niya. Kahit anong gawin ko parang ayaw talagang mag-sink in sa utak ko ang mga nalaman ko ngayon lang. I want to believe that I just heard it all wrong? Hindi ata ako nakapaglinis ng tenga ngayon.

To clear things up ay nilapitan ko na ang isang taong alam kong makakasagot ng lahat ng tanong ko. She knows Evie more than I do, so she can tell me everything.

"Rose!" I called Evie's best friend at sabay akong hinawakan ang braso niya. Napaharap din naman agad siya sa akin.

"Kuya Jave?" kunot noong tanong nito sa akin.

"Who's that man?" dire-diretso kong tanong sabay turo sa lalake na nasa tabi ni Evie, kay Fonce. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa dahil mas gugulo lang ang utak ko kapag pinatagal ko pa ang mga bagay na ito.

"Ha?" naguguluhang tanong ni Rosella na napangiwi pa talaga. Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Rosella naman o!

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon