EVIE
Kahit na may event ngayon sa school ay pahirapan pa rin ang paglabas sa school nang basta-basta lalo na at high school student ako. Mabilis na pinayagan si ate Youne na lumabas pero ako ay hindi. Napapayag lang namin ang guard nang bigyan ako ng permission ng tita ni Rosella na si ma'am Bernal. Nakasalubong namin ito sa may gate at since kilala niya ako ay pinayagan niya akong lumabas. Sinabi naman namin na babalik kami agad kaya pinayagan niya kami.
Paglabas namin ng school ay agad naming tinungo ang isang fast food restaurant na nasa tapat lang ng aming campus. Hindi ganoon karami ang customer kaya mabilis kaming nakaorder. Ate Youne ordered three cheese burgers, a large fries, a cup of cappuccino and an iced choco. Bumili naman ako ng chicken burger and I also bought cups of coffee and milk teas for my friends. Dumaan na rin kami ni ate sa grocery store na katabi lang ng nasabing fast food kung saan bumili kami ni ate ng mineral water. Bumalik din naman agad kami sa school pagkatapos. Idinaan ko muna kina Tredith ang kape at milk tea na binili ko para sa kanila para mainom na nila ito. Pagkatapos ay inihatid na rin namin ang pagkain ni kuya.
"Ate, saan ba natin ito dadalhin?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papasok ng school. Hindi ko kasi alam kung saan ginaganap ang contest ngayon nina kuya. Nilingon ako ni ate at saka niya sinagot ang tanong ko.
"Sa art room!" aniya at napatingin pa siya sa building kung saan mahahanap ang art room. Kasalukuyang ginaganap ang karamihan ng events sa high school department lalo na't kadalasan sa mga participants ay high school students. Tiningnan ko ang building na tinuro niya. It is the building allotted for the different clubs of the school. Diyan din mahahanap ang art room at ang music room na ngayon ay ginawang venue ng mga contest. It's a three story building at sa likod nito ay ang indoor swimming pool ng Newman.
Napangiti ako at saka ko nilingon si ate. I really salute her. Alam niya talaga ang lahat kay kuya, pati location nito ay alam niya. Siguradong bantay sarado si kuya kay ate Youne, walang kawala.
"Halika na Ev," bigla niyang sabi kaya napatitig ako sa kanya. Nagmamadali lang? Ang atat ni ate Youne ah! Excited ba siyang makita si kuya Fonce? Lagi naman silang magkasama ah. Oh well. Wala naman akong laban sa mga taong nagmamahalan.
"Ok ate," sagot ko at sinundan ko na siya sa paglalakad. She's not running pero mabilis ang kanyang lakad kaya hirap akong humabol sa kanya, bawal pa naman akong tumakbo kaya hindi ko talaga siya kayang sabayan.
Nang malapit na kami sa art room ay mas binilisan pa niya ang kanyang paglalakad kaya wala akong nagawa kung 'di ang sumunod nalang. Pagdating namin doon ay agad kaming sumilip sa loob. There are few students kaya hindi ko agad nahagilap si kuya. Nang makita ko ito ay agad kong kinalabit si ate at tinuro sa kanya ang kapatid ko. Busy si kuya sa pagkukulay ng poster niya nang tingnan namin siya. Nang makita naman kami ng isa sa mga staff na kakilala ata ni ate at kuya ay kinalabit agad niya si kuya at sinabing andoon kami sa labas. Nag-angat ng tingin si kuya at tiningnan kami. Agad siyang napangiti at kinawayan pa kami ni ate kaya sabay din kaming napakaway ni ate sa kanya. Napatayo si kuya at nilapitan ang facilitator at may sinabi dito. Tumango naman ito kaya nagdirediretso na si kuya palapit sa amin.
"Youne!" nakangiti nitong tawag sa girlfriend niya. Napangiti naman si ate at saka inangat ang dala niyang paper bag.
"We brought you this!" aniya referring to the paper bag na may lamang snacks na binili namin kanina sa labas. "Baka kasi nagugutom ka na," dagdag niya at nahihiya pa itong ngumiti. Kuya smiled at tinanguan pa si ate.
"Thank you." Kinuha ni kuya ang paper bag mula kay ate at tiningnan ang laman nito. Muli itong nag-angat ng tingin sa girlfriend niya. Agad naman akong napatalikod nang bigla nalang ilapit ni kuya ang mukha niya sa mukha ni ate. Anong gagawin nila!?
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Novela JuvenilGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...