Chapter 25 | Paasa ℹ️

319 11 0
                                    

Sometimes we expect more from others because we would be willing to do that much for them.

—❇️—

EVIE

Tahimik akong nakaupo sa usual seat ko habang nagbabasa ng isang nobela. Lunch break kasi namin ngayon pero may kaunting oras nalang kami bago magsimula ang klase namin sa hapon. We still have three more classes before the dismissal kaya nga medyo nababagot na ako, gusto ko na talaga kasing matapos ang araw na ito.

“Ev!” Nag-angat ako ng tingin sa tumawag sa akin at kita ko si Bran na lumalapit sa akin.

Hindi ko pa napigilan ang pagkunot ng aking noo dahil sa kakaibang ngisi sa kanyang mga labi.

“Bakit?” nag-aalangan ko pang tanong pero napanguso lamang ito.

“Sabayan mo naman ako oh,” he continued na naging dahilan para tuluyan ko nang maikunot ang aking noo.

“Ha? Saan naman?” I asked.

I know that we still have time bago ang klase namin pero hindi na iyon sapat para maglakwatsa pa kami. Baka ma-late pa kami kapag pumunta kami kung saan lalo na iyong malayo sa classroom namin.

Gusto ko na sanang mag-decline sa pakiusap niya pero naunahan niyang akong magsalita. Napangiti pa siya at sabay na tumabi sa akin.

“Samahan mo ako sa library. May hihiramin lang akong libro,” aniya na ngumiti pa nang malawak. Tinaasan ko siya ng kilay pero napangiti din naman ako sa kanya.

We don't have enough time to spare but his proposal is really tempting. Gusto ko ring pumunta sa library ngayon at manghiram ng libro.

“O sige, para makahiram din ako ng libro. I want to read that book na nakita ko kahapon,” sabi ko at ibinaba ko na muna ang binabasa kong libro. “Pero bilisan lang natin ha, baka ma-late kasi tayo.”

Bago isinara ang aking libro ay nag-ipit muna ako ng bookmark para maging madali lang sa akin na hanapin ang kasalukuyan kong binabasa. Pagkatapos ay ipinasok ko na ito sa bag ko at agad akong tumayo.

Hinarap ko si Bran na agad akong nginitian. Bago lumabas ng classroom ay nagpaalam muna ako kina Rosella. Sinabi ko sa kanila na pupunta muna kami ni Bran sa library at babalik din kami agad. Sabay na kaming lumabas ng classroom ni Bran pagkatapos.

Medyo malayo-layo rin ang library sa classroom namin kaya ilang minuto rin ang ginugol namin para pumunta roon. Habang naglalakad kami ay panay ang kwento ni Bran sa akin tungkol sa nabasa niyang novel kagabi. Hindi ko pa iyon nabasa kaya nakinig nalang ako. Nakakatuwa din namang kausap si Bran dahil feel na feel niya talaga ang pagkekwento niya. Mukhang ini-imagine niya ngang siya iyong bida sa kwento.

“Evie!” Pareho kaming napahinto ni Bran sa paglalakad nang may tumawag sa akin. Nag-angat kami ng tingin sa second floor ng building kung saan nanggaling ang boses at nilingon namin pareho ang tumawag sa akin.

“Tredith?” kunot noong tanong ko. Nakadungaw siya sa bintana sa second floor ng building kasama ang iilan niyang kaklase. Ngumiti si Tredith sa akin pero agad niya itong pinalitan ng isang nakakalokong ngiti habang nakatingin kay Bran na katabi ko lang.

“Hi Ev!” she said as she grinned. Tinaas-taas niya pa ang kilay niya na naging dahilan nang mas pagkunot ng aking noo. Tinutukso na naman ako nito at ngayon ay kay Bran pa talaga. Tsk!

Tumawa si Tredith nang makitang kunot na kunot ang noo ko. Si Bran naman ay nagtataka namang napatingin sa akin at kay Tredith. Mabuti nalang talaga at hindi agad nito naintindihan ang ginagawa ng kaibigan ko. Nakakahiya kapag nalaman niyang nili-link ako ni Tredith sa kanya.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon