EVIE
I was a normal kid like everybody else. I have friends pero hindi ako tulad ng iba na nakikipag hangout, I am always the kid na laging nasa bahay lang. I just learned to enjoy my youth when I met my friends. I experienced an outreach program, a prom, and joining competitions because of them. Iyong dating inaakala kong hanggang day dream lang ay nagagawa ko na pala in reality. I enjoyed my life nang hindi ko inaasahan.
The festival ended at balik na naman kami sa normal classes namin. Ngayon naman ay nagpre-prepare kami sa gagawin naming theater play para sa minor subject namin sa literature.
Tumayo sa harapan ng classroom si Roulo na class mayor namin at tiningnan kami. Everyone is busy pero natuon ang atensyon namin sa kanya.
"Classmates! Since kailangan na nating magawa ang mga costumes para sa play natin ay mamimili tayo ng materials bukas," seryoso niyang sabi habang ipinapakita sa amin ang listahan ng mga dapat naming bilhin.
"This is the list and mayroon lang tayong one thousand pesos bilang budget. Yung sasama sa pamimili bukas ay ang mga kasali sa props committe kaya walang excuses," sabi naman ni Jess habang nakatingin kina Niña. Niña is the head of the props committee.
Kapag hindi required ay hindi talaga pumupunta si Niña kaya siguro ganyan si Jess ngayon, ayaw niyang lumiban ulit si Niña sa event na ito. Hindi ko naman masisisi si Niña dahil kapag walang pasok ay umuuwi siya sa kanila. Malayo ang bahay ni Niña sa school kaya nagboboarding house lang siya.
"Okay," sagot namin sa kanila. Ano pa bang magagawa namin?
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Hindi naman ganoon kaaga ang meet up pero I decided to wake up early para may magawa pa ako sa bahay. I decide to read some of my books bago ako naghanda. By 10:30 in the morning ay naligo na ako at nag-ayos. Nagsuot lang ako ng simpleng blue jean na pinartneran ko ng blue stripe blouse ko. Pababa na ako nang hagdan nang makasalubong ko si mommy. It's weekend kaya wala siyang pasok and I guess ay wala din siyang appointment.
"Evie," tawag niya sa akin. Napahinto ako sa paglalakad at tiningnan siya.
"Mom?"
"Saan ka pupunta?" tanong niya kaya bahagya kong naikunot ang aking noo.
"Sa mall po. Diba nagpaalam na po ako sa inyo kagabi? Pumayag naman po kayo!"
"Oo, pero iyan ang suot mo?" Napatingin naman ako sa suot ko. What's wrong with my outfit? "Akala ko ba ay magbabago na iyang paraan ng pananamit mo. Mas maganda pa iyong ayos mo kahapon ah. Magbihis ka nga!" Napanguso ako sa sinabi ni mommy. Did she just scolded me about my outfit?
"Po?" wala sa sariling naitanong ko.
"Gusto ko na ganoon ang ayos mo. Nakikilala kang normal kapag ganoon ang pananamit mo. Evie you're only 17 pero nagmumukha kang manang dahil sa suot mo." Napabuntong hininga ako sa sinabi ni mommy. Kung ako parang manang, si mommy naman parang bata. Ano namang problema kung ganito ako mag-ayos? I was wearing these same type of clothes for the last few years.
"Mommy naman eh. Gusto ko itong ayos ko. Iyong kahapon, napilitan lang akong suotin iyon dahil ibinigay iyon ni Jeila sa akin." After the festival ay nagpatuloy rin ang pagiging fairy godmother ni Jeila sa akin. Lagi nalang siyang may dalang damit sa school at pinapasuot ito sa akin. Lagi akong tumatanggi but she keeps on insisting kaya wala na akong nagagawa.
"Ah hindi," pailing-iling na sabi ni mommy. "Pasok!" dagdag niya at hinila ako papasok ng kwarto ko. Naghalungkay siya ng mga damit ko at iyon pang mga regalo nina Rosella na hindi ko kailanman nagamit ang ipinasuot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Novela JuvenilGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...