JAVEN
Iba pala talaga ang naidudulot ng maling akala sa isang tao. Kung anu-ano kasi ang naiisip mo, ibang iba na ito sa kung ano ang dapat at kung ano ang tama at totoo.
Nakakainis! Hindi ko alam kung bakit ko ba iyon naisip, siguro ay dahil na rin iyon sa mga pangyayaring nagtulak sa akin na isipin ang lahat ng ’yon. Pero kahit na ’yon ang naisip ko ay hindi ko pa rin itinigil ang pagtetext sa kanya. Kahit na inakala kong may boyfriend na siya ay hindi ko itinigil ang pagiging My Prince sa kanya. I still have this little hope na one day ay ako ang mamahalin ni Evie.
---
February, the month of our prominade. Pagkagising ko nang araw ng prom namin ay agad kong itenext si Evie. I just want to greet her a good morning bago ang prom mamaya.
To: My Princess Evie ❤
Hello my princess. Good morning. Anong balita sa prom? Pupunta ka ba mamaya?I’m quite excited about the prom dahil makikita ko si Evie na nakaayos pero wala akong balak na pumunta mamaya. I want to see her but I'm sure na mabobored lang ako sa prom na ’yon, lalo na't hindi ko naman makakasama si Evie.
Napaupo ako nang maayos nang biglang tumunog ang phone ko. Mabilis kong binasa ang message na natanggap ko at napangiti din agad ako nang makitang galing ito kay Evie. Nagreply siya sa text ko sa kanya.
From: My Princess Evie ❤
Oo my prince. Pupunta ako sa prom. Hindi sana ako pupunta, pero sabi ng adviser namin ay may plus points daw ang sasali. 😑Mas napangiti ako nang malawak nang mabasa ko nang buo ang text niya. Knowing na sasali siya sa prom dahil sa plus points is making me quite happy. Hindi siya sa sasali sa prom para makasama ang Fonce na yon? She’s not thinking about the sweet things they can do together in the prom?
I grinned. This is awesome! Nakangiti akong nagtype ng reply sa kanya.
To: My Princess Evie ❤
Don’t think about the grade. Just enjoy the night. Para na rin yang bonding mo with your friends and classmates.She can enjoy the prom with her friends, huwag lang kasama yung Fonce na ’yon. And if we can have a chance to be together ay baka naman—Teka! Naikunot ko ang noo ko nang marealize ko ang isang bagay.
Akala ko ba hindi ako pupunta?
Napailing ako. Si Evie talaga o! Basta pagdating sa kanya ay go na lang ako ng go, hindi na ako nag-iisip nang maayos. I already decided na hindi ako pupunta pero heto ako ngayon at nagsisimula nang maexcite. Napabuntong hininga ako.
From: My Princess Evie ❤
Eh ikaw ba. Pupunta ka?Ako? Ewan ko, nalilito na ako. Pero para sayo—
To: My Princess Evie ❤
Just remember, I’m here always. Nasa paligid mo lang ako, nakabantay sayo. Ako kaya ang guardian angel mo. XDFor you Evie, just for you.
Pagkasend ko sa reply ko ay siya namang pagtawag ni Charlene sa akin.
Charlene ❤ Calling
Napabuntong hininga ako. Huminga muna ako nang malalim bago ko sinagot ang tawag niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/14467047-288-k9500.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Ficção AdolescenteGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...