EVIE
Tiningnan ko ang madilim na paligid nang lumabas ako ng club room. Ginabi na pala ako. Madami kasi kaming ginawa ngayon sa club lalo na't nalalapit na ang pagre-release namin ng bagong issue ng school newspaper. Hassle din talaga ang pag-join ng mga extracurricular activities dahil madalas kaming abutin ng gabi.
Kinuha ko ang phone ko mula sa bag ko nang mapansin kong tumunog ito. Kuya Fonce is calling kaya agad ko itong sinagot.
"Kuya? Nasaan ka na?" walang paligoy-ligoy na tanong ko. Malapit ng mag-7 PM kailangan ko nang umuwi. He will be picking me up para sabay na kaming umuwi.
("Evie, sorry!") sabi niya mula sa kabilang linya kaya naikunot ko ang aking noo. ("Hindi kita masusundo ngayon dahil may urgent activity kami,") pagpapatuloy niya.
"Po? Ganoon ba? Ok lang kuya." Napahinga ako nang malalim and I tried to smile kahit hindi naman niya ako nakikita. "Eh si manong Trex kaya?" Kung matatagalan pa si kuya ay pwede naman akong magpasundo nalang kay manong Trex. Pababalikin ko nalang siya sa school para sunduin si kuya after niya akong maihatid sa bahay.
("Hindi ko siya kasama ngayon. Can you just call him?") Oh! Wala pala si manong sa school?
"O sige po kuya, tatawagan ko si manong Trex," tumatango-tango ko pang sabi. Tiningnan ko pa ang wrist watch ko to check the time, it's 6:57 in the evening. Kung wala si manong sa school ah baka nasa bahay siya ngayon.
("Sorry talaga Ev kung hindi kita masasamahang umuwi,") sabi ni kuya na nagpabuntong hininga sa akin.
"Ok lang kuya." Hindi naman niya ini-expect na magkakaroon sila ng event sa school.
("Uhm... Ev, I'll be hanging up. Tinatawag na ako ng mga kaklase ko.")
"O sige po, bye kuya! See you sa bahay."
("Bye Ev, mag-ingat ka sa pag-uwi.")
"Opo!" Matapos sabihin iyon ay ibinaba ko na ang tawag. Kinalikot ko ang phone ko at hinanap ang number ni manong Trex. Agad ko itong tinawagan nang mahanap ko para masundo na niya ako. Pero instead na si manong Trex ang sumagot sa tawag ay boses ni mommy ang narinig ko.
("Evie!") sabi niya. Naitaas ko ang aking kilay. Tiningnan ko pa ang phone ko to check kung si mommy ba ang tinawagan ko, but Manong Trex name is really clear in the caller's ID.
"Mom?" naitanong ko. Bakit si mommy ang sumagot ng tawag? Nasa kanya ba ang phone ni manong Trex?
("Kasama ko ngayon si Trex anak. May nangyari kasi sa hospital kaya nagpahatid ako sa kanya. Sorry if I ask him to fetch me even though he's suppose to pick you at school,") tuloy-tuloy niyang sabi.
"Uhm...okay lang po mom. Magta-taxi nalang po ako pauwi."
("Are you sure? Pwede ko namang papuntahin diyan si Manang para sunduin ka.")
"Huwag na po mommy. Okay lang po ako, kaya ko naman pong umuwi nang mag-isa." Hindi naman ganoon kalayo ang bahay namin. It would only take less than an hour para makauwi ako.
("O sige. Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na.")
"Yes mom!" sagot ko at tumango pa ako.
("O sige anak, ibababa ko na ito.")
"Okay mom. Bye po!" I said while smiling.
("Goodbye Evie. Take care!")
"Opo!" Ibinaba ko na ang cellphone at tiningnan ang tahimik naming school. It's getting dark at kokonte nalang ang estudyanteng nandito ngayon at karamihan pa sa kanila ay papauwi na rin. Paano na ito ngayon? Gabi na, baka mahirapan na akong maghanap ng taxi na masasakyan. Rush hour pa naman!
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...