Chapter 13 | Unbelievable

392 14 0
                                    

EVIE

Bumalik na ako sa cottage na pinagtambayan namin kanina. Nao-OP kasi ako kina Rosella at Javen dahil ang sweet nila. Magmumukha talaga akong third wheel kapag tumambay pa ako doon kasama sila.

"Girls!" tawag ko sa mga kaibigan ko nang matanaw ko sila. Nilingon naman nila ako agad silang napangiti sa akin. Kinawayan pa nila ako kaya mas binilisan ko ang aking lakad para malapitan ko sila agad.

"Saan ka ba galing?" tanong ni Ezzia at pinaupo ako sa tabi niya. Napangiti ako at saka ko itinaas ang aking camera.

"Documentary," simpleng sagot ko na tinanguan naman niya. I'm sure na naiintindihan niya iyon dahil magkasama naman kami sa journalism club. "Uhm... girls! Magpapaalam lang sana ako." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy sa pakay ko, I went here para magpaalam sa kanila.

"Ha? Bakit Evie?" nag-aalalang tanong ni Ezzia. Napangiti naman ako dahil dito. I know they are overreacting again.

"Girls, pupuntahan ko lang si kuya. Huwag nga kayong mag-alala." Ano na naman kaya ang iniisip ng mga ito? For their information, I don't plan on going anywhere without them dahil baka mapahamak pa ako 'pag nagkataon. They don't have to worry anything.

"Sorry, but we can't help it. We always worry about you," ani Magie kaya napangiti ako. I can really see her concern and that really makes me happy. Nakakatuwang isipin na may taong nag-aalala sayo and wishing that you are always fine. I really feel loved because of them.

"Thanks girls! Don't worry, babalik din naman agad ako." I just need to talk to kuya at babalikan ko rin naman sila agad.

"O sige. But text-I mean call us when something happened," ani Leilyn na hindi napigilan ang pagkunot ng kanyang noo. She's still pretty even with that look pero kapag nakita niya ang sarili niya sa ganyang reaksyon ay tiyak na mapaparanoid iyan. Ayaw na ayaw niya kasing nagmumukha siyang panget.

"Yes ma'am!" sagot ko at sumaludo pa ako sa kanya. Even though I assured her ay hindi pa rin nito napigilan ang pagbuntong hininga niya.

"Okay, ingat ka," nakangiting sabi ni Ezzia, nginitian ko rin naman siya.

"Yes. I will," sagot ko at lumabas na ako ng cottage. Mabilis akong naglakad at pinuntahan sina kuya na kasalukuyang nasa kabilang side ng lugar.

Pagkarating ko doon ay agad kong siyang hinanap. Naikunot ko naman ang aking noo nang makita ko siya. Eh paano ba, sweet na naman kasi sila ni ate Youne. Para ngang walang ibang tao sa paligid kung maglambingan ang dalawa, hindi na talaga sila nahiya sa mga kasama nila. Nakalimutan ata nilang outreach program itong pinuntahan nila at hindi isang date.

"Hi kuya, hi ate Youne!" bati ko sa kanila nang lumapit ako. Mabilis namang umayos ng upo si kuya at tiningnan ako.

"Ev!" sabi naman ni ate Youne na napatayo pa bigla at napalayo kay kuya. Marunong naman palang mahiya itong dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?" nakasimangot na tanong ni kuya. Tumayo na rin siya at tinabihan si ate. Napasimangot naman ako sa kanya. May times talaga na napaka-rude niya, hindi na pwedeng batiin niya muna ako pabalik?

"Kukunan ko lang sana kayo ng pictures. Isasama ko lang sa scrapbook ko...kung okay lang sa inyo!" pasarkastikong tanong ko. Tiningnan ko si kuya at saka ako ngumisi sa kanya. Sinamaan naman ako nito ng tingin.

"Hindi o-"

"Okay lang Evie, basta ikaw," nakangiting sabi ni ate cutting off kuya. Napasimangot tuloy si kuya sa amin. Napabuntong hininga naman ako.

Mabuti pa si ate Youne, mas supportive pa siya sa akin kesa sa kuya ko. Sabihin niyo nga, sino ba talaga sa dalawang ito ang kapatid ko?

Inirapan ko nalang si kuya saka ko nilingon si ate Youne at nginitian siya. "Thanks ate," pasalamat ko sa kanya.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon