CHAPTER 67: 18 STEPS TO WOMANHOOD (✔️)

246 10 0
                                    

EVIE

Iyong inakala kong normal na celebration para sa debut ko ay magiging malaking party pa pala. Hindi ko inaasahang may surpresa sila sa akin.

“Mommy, thank you po talaga!” Nginitian ako ni mommy at dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ko.

“Kina Rosella ka magpasalamat dahil sila ang nagplano ng lahat. From the theme to food and pati na sa invitations.”

“Po?” Napalingon ako kina Rosella na nasa ’di kalayuan. They are entertaining some of my guest at sinisiguradong maayos ang lahat.

I smiled. That explains all their questions nang pumunta sila sa bahay noong mga nakaraang araw. Tinanong nila ako kung ano ang gusto ko kung sakaling may party ako. They asked me about the motif, the food, the gown I will wear, and especially the people I want to invite. Para pala iyon lahat dito.

Napalingon ako ulit kina mommy. “Mom, pupuntahan ko lang po muna sina Rose.”

“O sige anak!” Tumango pa si mommy kaya dumiretso na ako sa mga kaibigan ko. Nasa gilid sila ng stage at kinakausap ang technical team.

“Rose!” I called nang makalapit ako sa kanila. Hindi pa siya nakakasagot ay niyakap ko na agad siya.

“Evie?” She tried to look at my face pero ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg. Naiiyak kasi ako and I don’t want her to see it. Ayaw ko ring tuluyan na maiyak.

Hindi katagalan ay kumalas rin ako sa yakap ko sa kanya. Nilapitan ko naman sina Jemy, Leilyn, Magie, Airyl, Ezzia, and Tredith at niyakap ko silang lahat.

“Thank you girls!” Thank you para sa lahat. My simple thanks is not enough to express my gratitude. Ang dami ng ginawa nila para sa akin. I’m really thankful, and I want to express it in the best way possible.

“Hwag kang iiyak. May program pa tayong gagawin, baka masira yang ayos mo.” Kahit na naiiyak na talaga ako ay tumango pa rin ako. I inhaled deeply to prevent my tears from falling. Tiningnan ko sina Rose at saka ako napanguso.

“Pinaiiyak niyo kasi ako.”

“Hwag ka munang umiyak—mamaya nalang kapag magbibigay na ng messages ang 18 candles mo. Kasama kami doon kaya maghanda-handa ka na.” I smiled. Ang hanep talaga ng mga ito.

“Oo na! Pero salamat talaga sa lahat.”

“Hindi naman namin hahayaang yong bunso sa amin ay hindi mag-dedebut. Noong debut nga namin ay isa ka rin sa nagplano.” Well, isa nga ako sa nagplano noon but they are still the one who made all the preparation, iba naman itong ginawa nila ngayon. Ngayon, sila na ata ang gumawa ng lahat. Wala nga akong kaalam-alam na may ganitong mangyayari.

Hindi na ako nagsalita dahil ayaw kong sirain ang mood na meroon ako ngayon. I’m too happy and I don’t want to ruin it.

“Halika na.” Lumapit sa akin si Rose at hinila niya ako papunta sa mini stage na nakaset sa harap ng hagdanan namin.

Our house is enough to occupy these hundred visitors. The circular tables are neatly arranged all over the living room. These tables are covered with white silk, and pink and white roses are placed in glass vases na ipinatong sa ibabaw ng mga table na ito. There are pink and gold ribbons na naka-decorate sa hagdan at pati na sa mga chairs na uupuan ng mga bisita. Ang gitna ng living room ay bakante pati na ang nasa bandang stage.

“Dito ka muna Evie.” Leilyn said nang makarating kami sa may hagdanan. Naikunot niya ang noo niya at saka napalingalinga. “Teka! Sino ba ang magiging escort mo?” I raised my eyebrows. Escort? Do I need one?

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon