EVIE
Hindi agad kami dumiretso sa photo studio na sinabi ni mommy. Dadaan daw muna kami sa shop ni Tita Estella na mommy ni Rosella. May botique at salon kasi ang mommy niya at ngayon ay magpapaayos kami doon. Iyon ang pinagkakaabalahan ni tita ngayon maliban sa pag-aalaga sa pamilya niya.
Napalingon ako kay mommy habang bumabyahe kami. Nasa front seat si mommy at katabi niya si daddy na nagmamaneho ngayon. Katabi ko naman sa passenger seat sina kuya at yaya Cia.
“Mommy!” I called kaya nilingon niya ako sandali. “Bakit po kailangan pa nating magpa-photo shoot? Pwede namang sa bahay nalang tayo kumuha ng pictures,” nagkakamot ng ulo kong sabi.
The money is never an issue pero iyong time na igugugol namin sa pagpapakuha ng litrato ay sayang. Kung didiretso na kami sa bahay ay makakapaghanda pa ako—kami sa pagdating nina Rosella. Ang pagkikita namin ngayon ang hinihintay ko talaga ngayong araw kaya gusto ko talagang paghandaan ito. Habang pinapatagal namin ito ay mas nai-excite lang ako lalo.
I can’t see mom’s expression pero base sa boses niya ay nakangiti siya ngayon. “Isang beses lang mag-eighteen ang isang babae,” aniya. “And since you’re now eighteen, kailangan nating madocument ang araw na ito,” dagdag niya. Mom paused at napatingin siya kay daddy. Napansin ko pa ang paghawak niya sa braso ni dad. “I just can’t believe that my little girl is now eighteen. Ang bilis ng panahon.” Sandaling napatingin si daddy kay mommy at nginitian ito. Napanguso naman ako.
“Hindi na po ako little girl mom! Eighteen na nga po ako eh.”
“Little ka pa rin para sa amin.” Inabot pa ni mommy ang kamay ko at hinawakan ito nang mahigpit. I smiled when I felt the warmth from mom’s hand. Namiss ko ang ganitong pakiramdam, matagal ko rin itong hindi naramdaman dahil sa naging alitan namin kamakailan. Hindi ko talaga matago na ang saya ko ngayon, everything is overwhelming. Kahit na wala akong party o bunggang celebration at program para icelebrate ang debut ko ay masayang-masaya na ako. Masaya na ako dahil bati na kami ni mommy at dahil na rin sa mukhang maayos na ang lahat. And I’m really happy na may mga taong nag-aalala sa akin lagi. Iyon lang ay ok na ako. Ang swerte ko nga eh, I can’t ask for more.
Hindi nagtagal ay narating na rin namin ang shop ni tita. Agad niya kaming sinalubong nang dumating kami at niyakap pa ako nang mahigpit. She also greeted me a happy birthday at may ibinigay pa sa aking regalo. It’s a really beautiful pair of shoes na kulay silver at kumikinang kapag natatamaan ng ilaw. Para tuloy akong may suot na diamante sa paa kapag see suot ko ito.
“We’re done,” sabi ng nag-ayos sa akin after nang ilang minutong nakaharap ako sa salamin. Nang lumayo siya sa akin ay tiningnan ko agad ang repleksyon ko sa salamin. Natigilan ako nang makita ko ang sarili ko. It’s like I’m seeing someone unfamiliar, bagong mukhang ngayon ko lang nakita.
I want to believe that it’s me pero feeling ko ay nangangarap lang ako dahil para namang imposible akong gumanda. Nakatatak na sa isipan ko na no matter what they do, I will always be this nerd and unattractive girl. But well, I can’t lie with the fact na ako talaga ang babaeng nakikita ko ngayon sa salamin. It may impossible to think pero maganda talaga ako ngayon. Nang dahil sa effort nila sa pag-aayos sa akin ay nagiging maayos na ang itsura ko.
I was always like a ragged girl turned into a princess. Una itong nangyari sa akin noong ball namin sa Newman, sina Rose ang nag-ayos sa akin nang pumunta kami sa ball. The second one is Jeila na inayusan ako noong festival namin sa El Miranda. The third time na nagmukha akong tao ay noong inayusan naman ako ni mommy. It was the time nang nagpunta kami ng mga kaklase ko sa mall para bumili ng materials para sa props namin at nakita namin bigla sina Rosella. Nagkadouble date pa ako with Javen, Rosella and Vin nang hindi inaasahan noon. And kanina din kung saan inayusan ako ni Rhean and lastly ay ngayon naman sa tulong na rin ni ate’ng make-up artist. Para akong isang fairytale princess tulad ni Cinderella na nagkamake-over nang bonggang-bongga. Pero hindi katulad nang kay Cinderella na pati ang lovelife ay na-magic, ang akin ay complicated pa rin.
Tumayo ako sa inuupuan ko at isinuot ko na ang gown na inihanda nila para photo shoot. It’s a baby pink lace gown na umaabot hanggang sa talampakan ko. Kumikinang ito tuwing natatamaan ng ilaw dahil sa sandamakmak na sequence na inadorno dito. Bumagay talaga ang bigay na sapatos ni tita sa suot kong gown ngayon. Para talaga akong prinsesa sa suot ko.
Sabi ni mommy ay suotin ko na daw ito dito palang para hindi na kami magbihis pagdating namin sa studio, para na rin daw hindi kami matagalan. Pero kung ako lang talaga ang masusunod ay doon ko na ito susuotin sa studio
Ang uncomfortable kasi nitong suotin at hindi talaga ako sanay.Pagkabayad ni mommy ng bills namin ay lumabas na rin kami ng shop ni tita. Halos 20 minutes nalang ang natitira bago mag-6 PM kaya nagmamadali na kaming pumunta doon. Halos isang oras na kaming bumabyahe nang may mapansin ako bigla sa labas ng kotse. Noong una ang akala ko ay dito lang talaga kami dadaan pero nang katagalan ay mas napapansin ko na na may kakaiba talaga sa tinatahak naming daan. Ang kalsada kasi na dinadaanan namin ay ang daan na papunta sa bahay namin. Naikunot ko tuloy ang aking noo.
Dito ba ang daan papunta sa studio na tinutukoy ni mommy?
“Mom, ba’t papunta tayo ng bahay?” I can’t help but ask. Tiningnan ako ni mommy sa pamamagitan ng rear view mirror at nginitian ako.
“May naiwan lang ako sa bahay anak. Dadaan muna tayo sa bahay para kunin iyon at saka tayo didiretso sa studio.” Tumango nalang ako sa sinabi niya. Pilit kong iwinaksi sa isipan ko ang mga hinala ko. Akala ko kasi ay may something na. Nag-iisip lang siguro ako nang sobra.
“Ok po mommy,” sabi ko nalang at ibinalik ko na ang tingin ko sa cellphone ko. Tinetext ko kasi sina Rosella na may dadaanan pa kaming studio bago umuwi sa bahay. Tinext ko pa sila na hintayin nalang ako sa bahay mamaya dahil baka ma-late ako.
Mga five minutes pa ang lumipas nang narating na namin ang bahay. Naikunot ko pa ang noo ko nang mapansing walang kailaw-ilaw sa loob. Ang dilim at ang tahimik pa. Wala bang tao? Sa pagkakaalam ko ay nasa bahay naman ang iba naming katulong pati na si Manong Trex na pinakiusapan ni yaya Cia na maghanda para sa malilit naming salo-salo ng mga kaibigan ko.
“Evie, pwede mo bang kunin ang susi ng office ko?” Napalingon ako kay mommy dahil sa sinabi niya. “Naiwan ko iyon sa sala, doon sa bulaklak na pinaayos ko kay Shay kanina,” dagdag niya. Sinimulan ko nang i-unbuckle ang seat belt ko at tinanguan siya.
“O sige po mom!” sagot ko. Bumaba ng kotse si yaya para makababa rin ako, nasa gitna kasi ako.
Nagdirediretso na ako sa loob but I stopped para tingnan ang paligid. I heave a deep breath. Mabuti nalang talaga at closed itong compound namin at walang makakakita sa akin. Nakakahiya kasing isipin na baka may makakita sa akin na suot-suot ko ang gown na ito. I know I look stunning with my attire pero nakakahiya pa rin, hindi naman kasi ako sanay sa mga outfit na tulad nito.
Naglakad na ako papuntang pinto. Sina mommy at daddy ay nagpaiwan na sa loob ng kotse. May kausap kasi si mommy sa phone niya kaya nga ako na ang inutusan niyang pumasok. Mukhang business matter ang topic nila ng kausap niya dahil seryoso ang mukha niya. Si yaya naman ay may kinuhang gamit sa kotse na ipapasok niya daw sa loob ng bahay at si kuya naman ay kausap ngayon si Ate Youne sa telepono.
Nakalimutan ko ngang itext si ate Youne dahil sa naging abala ako buong araw. I did invited her sa salo-salo mamaya pero nakalimutan kong i-update siya tungkol dito. Hindi ko siya na-text na baka ma-late kami. Ah! Si kuya na ang bahalang magsabi sa kanya, magkausap naman sila ngayon eh.
Pinihit ko agad ang door knob ng pinto nang huminto ako sa tapat nito. Pagbukas ko nito ay kadiliman agad ang sumalubong sa akin. The lights are off at isama pa na gabi na kaya ang dilim talaga. I tried to adjust my vision para kahit na papaano ay maaninag ko man lang ang loob. Bakit ba kasi naka-off ang mga lights? Hindi naman kasi ito napapatayan ng ilaw maliban nalang kung tulog na ang lahat ng tao dito. Nasaan na ba kasi ang mga tao?
Dahil sa madilim ang lugar ay hinanap ko agad ang switch ng ilaw. Mahihirapan kasi ako sa paghahanap ng susi ni mommy kung ganito kadilim ang paligid. Tinungo ko agad ang lugar kung saan mahahanap ang switch ng ilaw at saka ko kinapa ko pa ang pader. Nang mahanap ko ang switch ay mabilis kong ni-on ang ilaw. Lumiwanag naman agad ang buong bahay pero—
“SURPRISE!” sigaw ng maraming taong hindi ko alam kung ilan. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat at saka ako napalingon sa likuran ko kung saan nagmula ang sigaw.
~☆~
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Ficção AdolescenteGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...