Chapter 16 | His Girlfriend

402 12 0
                                    

EVIE

Everything turns out smoothly. Ang dami na palang nangyari sa amin nang hindi ko namamalayan. Pati na nga ang mga important events sa buhay naming magkakaibigan ay dumaan na. Our birthdays passed at ngayon ay malapit na ang february-the love month, ang pinakainaabangan ng lahat lalo na ng mga students ng Newman Academy.

Napahinto ako sa pagbabasa dahil sa ingay ng mga kaklase ko. Wala kaming klase dahil may meeting daw ang faculty. We are instructed to self study pero ang mga kaklase ko ay nandoon sa labas at nag-iingay. Ano ba kasi ang meron? Hindi ako makapagfocus dahil ang ingay nila.

Napatingin ako sa mga kaklase ko. Nasa labas ang iba at ang iilan ay nakadungaw lang sa may bintana at pinto. Lumapit ako kina Rosella na nasa may bintana. Bakit ba nagkakagulo ang mga ito? May artista ba? Nandiyan siguro ang crushes nila kaya nakikitsimis din.

"Rose! Anong meron?" Nakisiksik din ako doon sa bintana at sinubukang silipin ang nangyayari sa labas. Sino ba kasi ang tinitingnan nila?

"Ssh..." saway pa sa akin ni Rosella. Kumunot agad ang noo ko dahil sa ginawa niya. Huh? Anong problema nito? Ano bang meron sa labas at kailangan pa talaga akong patahimikin? "Manood ka na lang!" utos niya pa. Hindi niya nga ako magawang tingnan dahil nakatuon lang ang tingin niya sa labas. Ano ba kasi yang pinapanood nila?

Tiningnan ko na lang din ang tinitingnan nila at natigilan ako dahil sa nakita ko. Napayuko agad ako at sabay na tumalikod. Makaalis na nga dito! Ang panget naman pala ng palabas eh. Akala ko naman ang ganda. Tss!

"Oy Evie, huwag kang mag-emo ah!" Nilingon ko si Jemy at tiningnan ko siya nang masama. Nangtritrip na naman ito.

"Bakit naman ako mag-eemo?" seryoso ko pang sabi.

"Okay lang yan! May iba pa naman diyan!" Kinunutan ko rin ng noo si Leilyn. Bakit ba nila ako binu-bully?

"Girls!" nasabi ko out of frustration. Nakakairita na sila. Nagtawanan naman sila.

"Joke lang Ev, hindi ka naman mabiro." Napatalikod na sila at bumalik na sa panonood kay Javen na nanghaharana kay Charlene. Napabuntong hininga nalang ako. Ang ganda ng boses ni Javen, sayang nga lang at hindi dedicated sa akin ang kanta. Naupo nalang ulit ako at nagbasa.

Si Charlene ay ay isang Grade 11 GAS student from Class B. Magkatabi lang ang mga classroom namin at ng kanila. Well, mahigit isang buwan na siyang nililigawan ni Javen ayon sa mga kaklase ko. Sa bali-balita ko rin ay unang nagkakilala ang dalawa noong nagkasabay ang klase namin at ang GAS Class B sa bus papunta sa outreach program namin. Charlene is known as one of the campus sweethearts in Newman Academy. Maganda siya, mayaman, at kasamahan pa siya ni Javen sa school choir. Some said na masungit daw siya. Ayon din sa mga tsismosa kong best friends ay nagtataka daw ang mga kaibigan ni Javen kung bakit siya nagkagusto kay Charlene, hindi naman daw kasi tipo ni Javen ang isang masungit na babae. Sabi pa nila, Love is really blind.

•••

Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto at lumabas ako. Agad ko rin naman itong isinara at nagtuloy-tuloy na ako pababa. Bumaba ako sa sala at hinananap si yaya Cia.


"Ya!" tawag ko sa kanya. Inilibot ko pa ang tingin ko sa buong sala at nang hindi ko siya nakita roon ay dumiretso na ako sa kusina. "Yaya Cia!" tawag ko ulit sa kanya. I am looking for her dahil kailangan ko ng bakanteng picture frame.

"Hija, bakit?" Lumabas si yaya galing sa kusina at nilapitan ako.

"Ya, nandiyan lang po pala kayo!" Sinalubong ko agad siya at pareho kaming pumasok sa kusina. Amoy ko agad ang mabangong niluluto ni yaya, kaya ginutom ako bigla. "Ano po ba yang niluluto niyo ya?" tanong ko habang sinisilip ang laman ng casserole.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon