Prologue

2.8K 41 2
                                    

Naranasan niyo na bang maghintay?

Depende? Maybe? Yes? Oo naman?

Ano ba ang sagot? Syempre OO, malamang.

Siguro lahat naman tayo ay nakapaghintay na. Parang araw-araw nga ay naghihintay naman tayo. Naghihintay tayo sa pagpila para kumuha ng mga important papers sa mga institutions. Naghihintay tayo sa pagpila para makagamit ng CR sa mga mall. Naghihintay tayo sa pagkuha ng order natin sa mga fastfood chain. Naghihintay din tayo na dumating na ang oras ng klase natin, na matapos ang boring lecture ng teacher at pati narin sa pag-ibig ay naghihintay tayo. Lalo na ako.

Nagsimula ito nang makilala ko siya. Ay naku! Hindi pala. Noon palang sinabi kong crush ko siya. Hay...buhay nga naman hindi basta-basta, kailangan talaga nang hintayan.

• • •

I don't know what I am feeling right now. Hindi ko ito maipaliwanag dahil ito ang unang pagkakataong nakaramdam ako nang ganito.

The man walking in front of me is making me nervous. I can't see his face but with his mere presence, my heart is beating so wild.

I walk. Sinundan ko ang bawat paghakbang ng kanyang paa. Diretso ang aking tingin sa likod niyang matikas. His hair is not that long kaya kita ko ang batok niya. Maayos ang kanyang lakad at hindi mo maipagkakailang kakaiba ang kanyang dating. Kahit na sino ay mabibighani sa kanyang tindig.

Tiningnan ko ang paligid, sobrang tahimik nito. Wala akong ibang taong makita maliban sa aming dalawa na naglalakad sa tahimik na pasilyo ng eskwela.

Mas binilisan ko ang aking lakad para maabutan ko siya. Labis kong ninanais na makita ang kanyang itsura sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. My heart is beating so wild na akala mo'y may hayop sa loob nito na nais makawala.

I walk and walk pero kahit anong lakad ko ay hindi ko talaga siya maabutan. Ang mahahaba niyang binti ay mahahaba rin ang hakbang, walang panama ang mga binti kong maiksi na malilit lamang ang nagagawang lakad.

I tried to run pero para bang may humihila sa akin kaya hindi ko magawang tumakbo papalapit sa kanya. Ang bigat ng pakiramdam ko sa aking katawan. It's like some force is dragging me down, hindi ako makagalaw. I tried to reach out at abutin siya but he is too far.

"Sandali! Sandali!" paulit-ulit kong sigaw. Hindi niya ako nilingon kaya mas nilakasan ko ang aking boses. Napahinto siya at dahan-dahan akong nilingon pero hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa sinag ng araw na sumisilaw sa aking paningin.

"Sino ka? Ano ang pangalan mo?" I asked but he did not respond. Sa halip ay ngiti ang kanyang sinagot sa akin, isang ngiti na nakakatunaw at nagiging dahilan ng mas mabilis na pagpintig ng aking puso.

Napangiti ako sa hindi mawaring dahilan. Maybe seeing him smile makes me smile too. Nakakahawa ang ngiti niya.

*Kring! Kring!*

Isang ingay ang naging dahilan para mawala ang lahat ng iyon. Napukaw ang diwa ko dahil sa pagtunog ng alarm clock ko. Doon ko lang napagtanto na isang panaginip lang pala ang lahat.

"Hmm..." Napagulong ako and I immediately covered my ears. Ang aga-aga pa pero ang ingay-ingay na. Ang sakit sa tenga! Patulugin niyo muna ako please. I'm still growing and I badly need an enough rest.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon