ACHEL
“Evie?” bulong ko habang diretso ko siyang tinitingnan. Napapaupo na si Evie sa sahig habang hawak-hawak pa rin ang kanyang dibdib. Ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa railings ng hagdanan at sinusuportahan ang kanyang sarili. Pagkakita ko sa kanya ay isa lang agad ang pumasok sa isip ko at iyon ay—"Vin!" tawag ko sa aking kaklase. Napatingin naman agad sa akin ang lahat. Hindi ko na hinintay na lapitan pa ako ni Vin at naglakad na agad ako papunta kay Evie. Hindi pa man ako nakakalayo sa mga kaklase ko ay biglaan nalang tumumba si Evie sa kinatatayuan niya.
Pagkatumba ni Evie ay nagtakbuhan agad ang karamihan sa estudyante papunta sa kanya. Napatakbo na rin ako papunta sa kanya at hindi ko na napansin kung sumunod ba ang iba kong mga kaklase sa akin. Wala na akong pakealam sa kanila dahil ang gusto ko lang ngayon ay ang puntahan agad si Evie. Nakisiksik na nga ako sa mga estudyanteng nakaikot kay Evie para lang malapitan siya. Agad ko rin siyang inusisa nang malapitan ko siya. Wala siyang malay at namumutla pa.
"Evie! Evie! Anong nangyari sayo?" natataranta kong sabi. "Evie, gumising ka!" dagdag ko at dahan-dahan ko siyang niyugyog pero wala akong natanggap na response galing sa kanya.
"Excuse me!" rinig kong sabi ng isa sa mga nakaikot sa amin ni Evie. Base sa boses niya I guess it's Vin.
"Guys, please give Evie some air!" pakiusap ko dahil sobrang crowded na dito. Kahit na ako ay nahihirapan nang huminga dahil sa init na ginagagawa nila. Mabilis namang nagsilayuan ang mga estudyante kaya medyo lumuwag na ang space sa kinaroroonan namin.
"Evie!" Vin tried to wake up Evie nang makalapit na siya sa amin. Naupo siya sa tabi ko at may kinuha siya sa bulsa niya. Pagkakuha niya no’n ay agad niya itong binuksan kaya nakita ko agad ang laman ng box ng iyon.
"Gamot?" naitanong ko. Inalalayan niya si Evie at pinasandal ito sa kanyang dibdib. Tahimik lang akong nanunuod sa kanya na pilit nang ipinaiinom kay Evie ang gamot.
"Teka lang Vin!" pagpigil ko sa kanya dahil hindi ako mapalagay sa pinanggagawa niya. "Ano ba iyang ipinapainom mo sa kay Evie?" kunot noong tanong ko. Baka ikasama pa lalo ni Evie ang gamot na pinapainom niya.
"Gamot niya ito!" agad niyang sagot sa akin at hinila niya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko. Wala na akong nagawa nang ipainom niya ulit kay Evie ang gamot. Pero dahil walang malay si Evie ay hindi pa rin napainom ni Vin sa kanya ang gamot.
Seryoso ko nalang na tiningnan si Vin na alalang-alalang nakatingin kay Evie. Bakit niya sinabing gamot iyon ni Evie? May sakit ba si Evie na hindi namin alam? Anong meron?
"Anong nangyari?" tanong ni Arjean sa amin nang makalapit na rin siya kasama pa ang iba naming kaklase. Hinarap ko agad siya and I immediately gave her an instruction. Wala na akong oras na magduda sa nangyayari sa pagitan nina Evie at Vin, Evie needs some medical attention kaya iyon muna ang uunahin ko.
"Jean, tumawag muna kayo sa clinic," I instructed and ignoring what she just asked. Naikunot niya ang kanyang noo pero tumango pa rin naman siya without hesitation.
"O sige!" aniya at mabilis siyang tumayo. Nilapitan niya ang isa sa kaklase namin at agad din silang umalis.
"Vin, dalhin na natin si Evie sa clinic," bulalas ko. Nag-angat sa akin ng tingin si Vin at tinanguan niya ako. Binuhat niya agad si Evie at lumapit naman ang iba para tulungan kami.
"We will help!" sabi pa nina Carl at J-Arl na hindi na nagsayang ng panahon at tinulungan na si Vin na dalhin si Evie sa clinic. Sumunod din naman kami sa kanila at tinungo agad ang clinic ng school.
Nang marating namin ang clinic ay agad na inilapag ni Vin si Evie sa isa sa mga clinic bed. Lumapit din naman agad ang school physician at tiningnan na si Evie. Seryoso naming tinitingnan si doktora na kasalukuyang tsine-check si Evie nang mapansin kong lumayo nalang bigla si Vin sa amin. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko siyang tumayo sa may pinto habang ginagamit ang phone ni Evie.
![](https://img.wattpad.com/cover/14467047-288-k9500.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
JugendliteraturGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...