Chapter 17 | First Dance

384 16 0
                                    

"Jokes are half meant."
©Anonymous

-❇️-

EVIE

Wala akong magawa kaya nagbasa na lang ako. Tinatamad kasi ako dito sa bahay kaya gusto kong may gawing interesting pero wala naman akong mahanap. Ang sarap sanang mag-movie marathon kaso wala si kuya, wala akong makasama.

🎶~Ikaw na na na na
Pwede bang magpakilala

Larawan mong magara
Hindi na mabura

Sa sa sa isip ko, na na na
Pwede bang magpakilala
Gandang aking nakita
Sadyang nakaka-halina na na na
Na na na na na na na~🎶

Napahinto ako sa pagbabasa nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ang phone ko na nakalagay lang sa table at binasa ang message na natanggap ko.

From: My Prince
Hello My Princess. Narinig kong may gagawin kayo ngayong nutrition month. Hingi naman ako ng lulutuin niyo. 😊

Napangiti ako sa text niya. Kahit na kailan talaga ay ang caring niya sa akin. Kahit na hindi ko pa siya nakikilala personally ay mabait siya at para ko na talaga siyang best friend. He's been my friend for almost three years. Kailan ko kaya siya makikilala in person?

To: My Prince
Hi My Prince. Bago kita bigyan ng lulutuin namin ay magpakita ka muna. Lagi ka na lang nagpapromise eh pero hindi mo naman tinutupad. 😣

Do I sound weird or something? I think it is too much to text him this messages pero I'm just really curious and a bit desperate to know him.

From: My Prince
Next time na, at the right time. 😊

Napasimangot ako. The conversation always end up with this. Laging "next time" nalang ang sagot niya. Hay naku! Wala ba siyang planong magpakilala sa akin?

To: My Prince
When will be that right time?

I typed that reply without giving much thought. But expected, everytime na tinatanong ko siya about dito ay lagi na lang niya akong iniiwan sa ere. He never gives me any reply.

Napabuntong hininga ako at saka ko ibinaba ang cellphone ko. Mas na-bore lang tuloy ako.

•••

Nutrition month namin ngayon sa school at magsasagawa kami ng cooking event. Iyon yung event sa school kung saan ang bawat section ay magluluto ng nutritious na putahe na pagsasaluhan ng buong klase. Marami kaming gustong lutuin pero ang sabi sa amin ng adviser namin ay mas mabuti daw kung isa lang ang lutuin namin para hindi na kami mahirapan.

May pumili ng pansit, bihon at sinigang. Pero ang majority ay gusto ng medyo matamis, so sa mga matamis na lutuin kami nag-focus. May gusto ng aroscaldo, mga kakanin at pati na rin ng cake, pero we've come up with 'minatamis na saging'. Si Airyl ang nag-suggest noon at dahil karamihan sa amin ay hindi pa nakatikim noon ay iyon ang pinili namin.

Si Ayril ang in-charge sa pagluluto since may mas experience siya doon. May restaurant kasi sila at siya minsan ang nagluluto.

Everyone is excited lalo na't masusubukan naming magluto. It's a new experience for everyone kaya excited talaga kami. Ang saya kaya noon, magiging cook kami nang panandalian.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon