CHAPTER 72: TRUE LOVE WAITS

231 11 0
                                    

“There’s always a right time for everything. Sometimes, we have to MAKE it, but sometimes we just have to WAIT for it.” ©Anonymous

—❇️—

EVIE

“I’m sorry— My Princess.” Tuluyan na ako naiyak when Javen called me My Princess.

“Ikaw si My Prince?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tumango siya at saka sumagot.

“Yes,” aniya. Napailing naman ako. Imposible eh. He can’t be him! Hindi pwedeng siya iyong tinetext ko tungkol sa mga problema ko.

“Pero, bakit mo—bakit ka—?” Hindi ko alam kung ano ang itatanong ko sa kanya. Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko at hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Bakit siya nagpanggap bilang si My Prince? Bakit niya ito itinago nang napakatagal? Why?

“Evie...” he called kaya napatingin ako sa kanya.

“Anong dahilan mo para gawin ’to?” sabi ko na naging rason para hindi niya matuloy ang sasabihin niya.

Nagsimula akong humikbi. I feel this pain inside me na mas lalong dumudurog sa puso ko. It is the pain na mararamdaman mo when someone special and dear to you have just betrayed you. It is when someone lied to you and make you look so stupid. Like him—like MP who is my so called best friend na niloko lang pala ako. Why did he do this to me? Pinagmukha niya akong tanga.

“I was 10 when I met this girl at the hospital.” Naikunot ko ang noo ko nang magsalita siya. “Yung time na ’yon ay malala na ang sakit ko. I’m really afraid na mamatay ako at that age, but this girl made me realize na it’s not yet the end for me. Dahil sa kanya ay nagpaopera ako, and now I’m completely fine.” I gave him a confused look. Ano ba yang pinagsasabi niya? Hindi ko siya ma-gets. “Hindi mo na siguro natatandaan ’yon. Ibang-iba pa ang itsura ko that time,” he continued na may ngiti pa sa mga labi. Mas nalito lang tuloy ako.

Ano ba ang nangyari noon na tinutukoy niya? Am I supposed to know him 8 years ago? Wala akong maalalang nangyaring ganoon.

•••

JAVEN

“Ikaw si My Prince?” Hindi makapaniwalang tanong ni Evie sa akin. Tumango ako sa kanya.

“Yes,” nahihiya kong sagot. Nakita ko ang pag-iling ni Evie, mukhang ayaw niyang paniwalaan ang nangyayari at ang lahat ng sinasabi ko. I can’t blame her, alam kong hindi naman talaga katanggap-tanggap ang pagsisinungaling ko sa kanya nang napakahabang panahon. I know that I hurt her.

“Pero, bakit mo—bakit ka—?” naguguluhang tanong niya. Napahinga ako nang malalim.

I’m really sorry Evie.

“Evie...” I called. Mukhang litong-lito na siya and I want her to understand why I did it. I’m ready na sabihin at i-explain sa kanya ang lahat. I want her to know the truth kung bakit ko iyon nagawa.

“Anong dahilan mo para gawin ’to?” pagpigil niya sa sasabihin ko sana. Nag-angat siya ng tingin sa akin at tiningnan ako nang masama. Umiiyak pa rin siya at sabay na umiiling-iling. Naramdaman ko rin ang pagsikip ng dibdib ko. Seeing Evie crying is making my heart breaks into pieces. Nasasaktan akong makita siyang nasasaktan lalo na’t ganyan siya dahil sa akin. I’m such a jerk for making this girl cry.

I breathe deeply at saka ko inalala ang mga nangyari last 10 years, the reason kung ba’t nandito kami ngayon at kung bakit ko nagawa ang lahat ng ito kay Evie.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon