“May mga pagkakataong ang hirap pumili sa pagitan ng dalawang bagay, it is the time when you wish you can choose both.”
•••
EVIE
Tiningnan ko ang dalawang lalakeng nakatayo sa aking harapan. It is weird to see two guys na isasayaw ang debutante at the same time, but my friends are giving me a headache kaya wala na akong magawa kung hindi ang gawin ito.
“Happy birthday Ev!” nakangiting bati ni Vin sa akin. Sinagot ko ang kanyang pagbati ng isang ngiti.
“Thanks Vin!” I added. Naibaling ko naman ang aking tingin kay Javen nang magsalita siya. Binati rin niya ako tulad nang ginawa ni Vin.
“Happy 18th birthday Ev. Sorry at nagkaganito ah!” Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Javen smiled but I can’t answer this with a smile too. Biglang nanikip ang dibdib ko kaya napahinga ako nang malalim. “Hanggang ngayon pa rin kasi ay tinutukso pa rin nila tayo!” he continued.
So, that’s it!? Hanggang ngayon pala ay iniisip niya pa ring biruan lang ang lahat ng ito? O-okay! For a long time na umasa at naghintay ako ay wala pa rin pala. Ngayon sanang nakapagdesisyon na akong magtapat ng nararamdaman sa kanya—na aamin na akong gusto ko siya ay mauudlot pa ata. Hindi pa nga ako nabibigyan ng chance at wala pa nga akong ginagawa, mukhang basted na agad.
Napabuntong hininga ako before I forced a smile. Nalungkot ako bigla sa sinabi niya. Ano ba kasi ang iniisip kong sasabihin niya? Masyado akong nag-expect.
“Uhm... salamat,” tanging nasagot ko sa kanya.
Ang sakit sa pusong malaman na mukhang walang pag-asa itong naramdaman ko sa kanya. Wala pa akong ginagawa ay durog na agad itong puso ko.
Tumango lang si Javen sa akin at nginitian ulit ako. Nagsimula na ring tumugtog ang musika kaya isinayaw na nila akong dalawa.
Kahit na naiilang ako sa ginagawa namin ay naenjoy ko pa rin naman ang pagsayaw. I can’t help but smile lalo na at nahahawakan ko ang kamay ni Javen. Ito na ang pinakamagandang regalong natanggap ko mula sa kanya. I know I am being unfair to Vin pero iyon kasi talaga ang nararamdaman ko. I don’t want to lie about how I feel.
After ng 18 roses ay 18 candles naman ang sumunod. All the girls, ladies and women in my life made wishes and messages for me, simula kina mommy hanggang sa mga kaibigan ko.
After ng 18 candles ay kumain na din kami. Masyado na kasing nagtagal ang program dahil sa kalokohan ng mga kaibigan ko sa 18 roses. Ginutom na talaga kaming lahat lalo na ako na kumanta pa at nagsayaw ng 18—ay este 17 times pala. Pero bago kami kumain ay nag-blow muna ako ng candles sa birthday cake ko. I closed my eyes as I made my wish.
What is my wish? Well, that’s a secret of course, akin nalang iyon. Baka hindi pa matupad.
Nang iserve na ang pagkain ay nagsettle na ang lahat. The solemn music started to play at nagsimula na kaming kumain.
“Evie, inumin mo ang gamot mo after kumain.” Napalingon ako kay mommy nang magsalita siya. Tumigil muna siya sa pagkain niya para tingnan ako sandali. Tumango ako sa kanya.
“Opo mommy,” sagot ko. Inubos ko na agad ang dessert na kinakain ko at hinanap na ang gamot ko sa pouch na dala ko.
Naikunot ko ang aking noo nang hindi ko iyon nahanap dito. Sinubukan kong hanapin iyon ulit sa loob ng pouch pero wala pa rin. Inulit ko pa nang isang beses ang paghahanap, pero wala pa rin talaga. Tinigil ko na lang ang paghahanap ko at tiningnan ko si kuya.
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...