EVIE
Maingay pa rin ang tatlo kahit na lumipas na ang oras. Wala silang tigil sa pagkwekwetuhan at panay pa rin ang pagkukulitan sa isa't-isa. Hindi na naman nila ako kinukulit ngayon dahil si Baille na ang pinagtritripan ng magkapatid. Hindi nga maipinta ang mukha ni Baille dahil sa inis dahil sa kakulitan ng dalawa.
"Sinabing hindi nga," kunot noo nitong reklamo at sinamaan pa niya ng tingin si ate Ledy at Javen. "Ang kulit niyong dalawa!" dagdag nito na nagpatawa lang sa dalawa. Pati ako ay natatawa din sa kanya, nakakatawa kasi ang itsura niya.
"Aminin mo na kasi, crush mo si Tina diba?" nakangising hirit pa ni ate Ledy kaya mas sumimangot si Baille.
"Sinabi ngang hindi. Ewan ko sa inyong dalawa," aniya at napatalikod siya sa dalawa. Napangiti nalang ako. Ang cute nilang tatlo, para lang kami ni kuya kapag nag-aasaran din kami. Ako lagi ang talo kapag nag-aasaran na kami ni kuya, ang lakas kasing mang-asar nun.
Patuloy pa rin nilang kinulit si Baille kahit na nakasimangot na ito. Natahimik lang sila nang bigla nalang bumukas ang pinto ng ward at pumasok ang dalawang tao.
"EVIE!" tawag ng babaeng pumasok sa akin. Napaupo ako nang maayos at diretso ko siyang tiningnan. Mommy?
Napangiti ako nang masigurado kong si mommy nga iyon. "Mom!" tawag ko sa kanya at sabay akong ngumiti. I'm really glad na nandito na sila. Lumapit si mommy sa akin at agad akong niyakap.
"Evie. Okay ka lang ba? Anong nangyari?" Agad akong ni-check ni mommy kaya mas napangiti ako. I really love it when I see how concerned she is to me. Ayaw kong makitang nag-aalala si mommy sa akin but everytime she's concerned ay nararamdaman kong mahal na mahal niya ako.
"Minor attack lang po iyon mom!" nakangiti kong sabi sa kanya kaya napahinga siya nang malalim.
"We are really worried about you. Hindi na namin alam kung saan ka hahanapin. Ikaw'ng bata ka talaga," kunot noong sabi pa ni mommy. I grinned at her kaya napailing nalang siya.
"Sa susunod, huwag mo nang kakalimutan ang gamot mo!" paalala naman ni daddy sa akin kaya tinanguan ko siya.
"Opo dad." I smiled to him and I gave him a tight hug. Hindi ko naman talaga gustong iwan ang gamot ko, sadyang nakakalimutan ko lang talaga itong dalhin.
"Can you excuse me for a while? Kakausapin ko muna ang doctor na tumingin sayo. Babalik din ako agad," ani mommy. Tumango naman ako.
"Opo mommy," sagot ko. Pati si daddy ay napatango din sa kanya. Hinalikan muna ako ni mommy sa noo ko bago siya tumayo. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa lumabas siya ng ward. Naiwan naman kami ni daddy dito sa loob kasama sina Javen, ate Ledy at Baille. Tiningnan ni daddy sina Javen at nginitian sila. Napangiti naman pabalik sa kanya ang tatlo.
"Hello po," bati ng tatlo kay daddy. Mas lalong napangiti si daddy sa kanila.
"Thank you kids for taking good care of my daughter," nakangiting sabi ni daddy sa kanila. Napangiti din naman ako. They really are my guardian angels today.
"Walang anuman po iyon. Kahit na sino naman po ay gagawin iyong ginawa namin," sabi ni Javen na nginitian pa si daddy.
Nagkwentuhan kami sandali hanggang sa marinig naming tumunog ang phone ni Baille. Napalingon sa kanya ang lahat na nagpabigla sakanya. Kinuha niya ang phone niya sa kanyang bulsa at saglit itong kinalikot. Nang matapos niyang basahin ang anumang nandoon ay agad niyang nilingon sina Javen.
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Ficção AdolescenteGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...