Chapter 14 | New Chick

390 12 0
                                    

EVIE

Matapos kong magpaalam kay Vice President na hindi ako sasabay sa section namin pabalik ng school ay agad akong tumakbo paakyat ng sinakyan naming bus. Iniwan ko kasi ang ilang gamit ko roon kaya kukunin ko.

Pagkapasok ko ay agad kong nilapitan ang inuupuan ko kanina. I left my backpack there kaya agad kong itong kinuha. Palabas na sana ako ng bus ng tyempong umakyat din si Tredith kaya nagkasalubong kami.

"Ev?" Namilog ang mga mata niya nang makita ako. Nabaling ang tingin niya mula sa mukha ko papunta sa bag na nakasukbit sa balikat ko. "Saan ka pupunta?" tanong niya. Inayos ko ang pagkakasabit ng backpack sa balikat ko at saka ako nagsalita.

"Sasabay ako kina kuya pabalik sa school. There is something he wants me to do at hindi naman ako makatanggi."

"Ah! Ganoon ba? Okay! Magkita na lang tayo mamaya sa school." Napangiti pa si Tredith kaya napatango ako. Tumabi siya sa daanan para makababa na ako ng bus.

"Sige. See you mamaya. Bye Dith!" pagpapaalam ko sa kanya at bumaba na nga ako ng bus. Dumiretso na ako pabalik kina kuya at ate Youne na nakatambay pa rin sa pinagtambayan nila kanina. Sinamahan naman ako ni kuya papunta sa bus nila para mailagay ko ang mga gamit ko roon.

Bago kami bumalik sa school ay nagkaroon muna ng kaunting salo-salo. Naghanda ang mga taga-baranggay ng iba't-ibang pagkain. May inihaw na bangos na nilagyan nila ng kamatis sa loob, may kangkong din at litsong manok. Nakakatuwa talaga ang mga tao dito. Kahit na naghihirap sila ay naghanda pa rin sila ng mga pagkain para sa amin. It's like an early dinner and everyone is really anticipating about it.

"Kuya, sasamahan ko na muna sina Rosella ah," paalam ko kay kuya. Napatingin pa ako kina Rose na nakapwesto na sa kabilang table. Tiningnan naman ako ni kuya at saka nginitian.

"Okay, pero pagkatapos nating kumain ay magkita nalang tayo sa may entrace." Tumango ako.

"O sige po." Hinalikan ko si kuya sa pisngi niya saka ako tumayo at nilapitan sina Rose. "Hi girls," bati ko sa kanila paglapit ko. Nag-angat naman sila ng tingin sa akin at nginitian ako.

"Evie!" masayang tawag ni Rosella said akin at pinaupo agad niya ako sa bakanteng upuan sa tabi niya.

"Kumain ka na?" nakangiti namang tanong ni Ezzia na inabutan pa ako ng plato.

"Uhm... wala pa," pailing-iling kong sagot at kinuha ko mula sa kanya ang plato. Inilagay ko ito sa harapan ko at muli silang tiningnan.

"Ganoon ba?" ani Rose. "Teka, kukunan kita ng pagkain mo." Tatayo na sana siya pero agad kong siyang pinigilan. Hindi na niya iyon kailangang gawin.

"Ako na Rose, kumain ka na lang diyan," sabi ko at agad ko siyang nginitian. Nagsisimula na silang kumain kaya ayaw ko silang abalahin. Kaya ko namang kumuha ng sarili kong pagkain.

"Are you sure?" nag-aalala niya pang tanong. Napangiti nalang ako at sabay siyang tinanguan. They always worry too much kahit hindi naman kailangan. Mga kaibigan ko talaga oh.

Napatango din naman sila kaya napatayo na ako. Hinawakan ko nang mahigpit ang platong binigay nila at lumapit na ako sa buffet table. Napatingin ako sa mga pagkaing nakahain at agad akong napa-wow. Ang dami kasi ng hinanda nila. Akala ko ay isda at gulay lang ang nakahain pero may mga seafoods din pala. Ang mahal ng mga ito pero walang pag-aalinlangan nila itong hinain sa aming bisita nila. Ang bongga talaga ng outreach program na ito, ang bait na ng mga residente...libre pa ang pagkain.

Napangiti ako at nilagyan ko na ang plato ko ng pagkain. Pinili ko talaga ang mga pagkaing iwas sa fats dahil masama iyon para sa puso ko. Dinamihan ko na rin ang gulay para hindi naman puro karne ang kakainin ko.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon