"Problems are faced not ignored."
-❇️-
EVIE
"Ev, okay ka lang?" Napatingin ako kay Achel dahil sa tanong niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin at halatang nag-aalala. Nginitian ko siya at saka ko siya tinanguan.
"I'm okay Ach. Bakit pala?"
"Mukha ka kasing problemado. May nangyari ba?" Napabuntong hininga ako nang sabihin niya iyon. Masyado na ba akong stress tingnan kaya agad niyang nasabing problemado ako?
"Konte," I answered. "Pero okay lang naman ako, hindi din naman ito magtatagal." I know I can solve whatever problems I have.
"Tama, ganyan dapat. Go lang ng Go! Huwag kang padaig sa mga problema." Napangiti ako nang sinabi niya iyon. I love how she encourages me, nakakalakas talaga ng loob.
"Thanks Ach!"
Pero muli akong napayuko nang may mapagtanto ako. Kung alam kaya ni Achel kung ano ang pinoproblema ko, masasabi pa kaya niya iyon sa akin? Baka magalit pa siya.
"O nga pala Ev, nakakuha ka na ba ng waiver?" Napasimangot ako dahil sa tanong ulit ni Achel. Isa pa ang waiver na iyan sa pinoproblema ko ngayon.
"Oo meron na ako." But I don't if I can go. Hindi ko pa iyon napapapirmahan sa parents ko. "Eh ikaw ba?"
"Wala pa eh," sagot niya. "Saan ka nakakuha?" she continued. Napatingin ako sa posisyon ni Roulo at saka ko siya tinuro.
"May copy si Roulo, ipa-photocopy mo nalang."
"Ah! Sige, magpapa-photocopy muna ako." Tumango lang ako kaya tumayo na si Achel at nilapitan si Roulo. Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ko ang copy ko ng waiver na inilagay ko sa aking bag. Sinimulan kong basahin ang nakasalat dito.
I heave another deep sigh. Paano ko ba ito mapapapirmahan sa parents ko? Hindi pa kami nagkakausap nina mommy at daddy kaya paano ako magpapasign ng waiver sa kanila. Bakit ba kasi ang wrong ng timing ni kuya sa pag-alis? Wala tuloy akong mahingan ng tulong. Bahala na nga. Gagawa nalang ako ng paraan.
Ibinalik ko nalang sa bag ko ang waiver at nagbasa nalang ng libro. Matapos ng klase namin ay agad na akong umuwi.
Matapos makapagbihis ay bumaba ako sa sala at doon muna tumambay. Inaabangan kong bumaba si mommy dahil kailangan ko talagang mapasign ang waiver ko para makasama ako sa seminar namin. Nang medyo tumagal na ang paghihintay ko ay naisipan ko munang pumunta sa kusina para maghanap ng meryenda.
"Hija, gusto mo nang ipaghanda kita ng meryenda?" tanong ni yaya kaya akin. Napangiti naman ako at saka napailing.
"Hindi na po kailangan ya, iinom lang ako ng juice. May cookies pa naman po tayo diba?" Tumango naman si yaya at binuksan niya ang isa sa cabinet na malapit lang sa sink. Kumuha siya ng isang box ng cookies at ibinigay ito sa akin. Kumuha naman ako ng orange juice sa ref at nagsalin nito sa basong kinuha ko.
"Pupunta lang muna ako sa pantry para kumuha ng ingredients para sa hapunan. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka." Tumango naman ako kaya napangiti si yaya. Nagtuloy-tuloy na siya papasok ng pantry at naupo naman ako sa isang stool na nakapwesto sa kitchen counter.
"Yaya Cia!" tawag ni mommy kay yaya. Sa pagkagulat ay agad akong napatago sa ilalim ng counter bago pa man siya makapasok nang tuluyan sa kusina. Napasilip ako at nakita kong nagbukas ang pinto ng pantry at dumungaw si yaya Cia mula dito.
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Fiksi RemajaGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...