EVIE
Paghinto ng sinakyan naming bus sa ground ng school ay agad akong tumayo at tinungo ang exit. Kailangan kong puntahan agad ang mga kaklase ko para maabutan ko ang roll call.
"Evie!" Napalingon ako kay kuya nang tinawag niya ako. Palabas na sana ako ng bus pero napahinto ako dahil sa pagtawag niya.
"Bakit kuya?" tanong ko. Tumayo ako sa may hagdan ng bus at hinarap ko siya.
"Sorry sa kanina," he said apologetically. Napangiti ako sa kanya. Si kuya talaga o, ang emo!
"Okay lang po yun kuya. Alam ko namang hindi mo yun gustong mangyari." Lumapit si kuya sa akin at niyakap ako nang napakahigpit na nagpagulat sa akin. Napatingin pa ako sa mga kaklase niya na nasa may likuran niya. They are all looking at us kaya nahihiya ako.
"Thanks Evie!" aniya. Nahihiya ako ngayon pero hindi ko mapigilang mapangiti sa ipinapakita ni kuya sa akin. Bakit ang emo niya ngayon? May nakain ba itong kakaiba sa outreach kanina kaya ito ganito. Nakakapanibago itong ikinikilos niya.
Tinulak ko siya nang bahagya para bumitaw na siya sa pagyakap sa akin. Tiningnan ko siya and I gave him a smile.
"Thanks to you. Ayaw mong ipagmukha akong masama doon kanina, and you even protected me and ate Youne. Thanks talaga kuya." He really did protect me from his tsonggong classmate. Kung wala siyang ginawa kanina, I really don't know what will happen. "Kuya, I'm going now. Baka hindi ko maabutan ang roll call eh." Kanina pa naman nakarating ang section namin sa school, baka mahuli ako.
"Okay. Take good care Evie. See you sa bahay." He patted my head at hinayaan na akong makababa ng bus.
"Okay kuya, ikaw din." Aalis na sana ako pero hinila ako bigla ni kuya and he kissed me in my forehead. Agad ko siyang tinulak at kinunutan ng noo. "Kuya naman," reklamo ko. Umiwas din agad ako sa kanya para hindi na niya ulitin ang ginawa niya. His classmates are looking at us, baka maulit na naman iyong nangyari kanina sa bus at ma-issue na naman kami. They know we're siblings but you can never know what thoughts are playing in their minds.
"Bakit? Dati okay lang naman sayo na i-kiss kita. Bakit, dalaga ka na ba?" Ngumiti pa si kuya nang mapang-asar kaya sinimangutan ko siya.
"Kuya naman eh!" I'm not a baby anymore! Malabo ba ang mata niya at hindi niya nakitang dalaga na ako!?
"O sige na, umalis ka na. Baka hindi mo na maabutan iyong roll call niyo." Ginulo niya pa ang ang buhok ko at tinulak ako paalis. Tiningnan ko siya nang masama.
"Oo na. Hindi mo na ako kailangang ipagtulakan pa." Ang harsh din niya ano! Tumawa lang siya kaya umalis na lang ako at hinanap na ang mga kaklase ko.
"Evie Tane?" Rinig kong sabi ng kaklase kong si Poulo nang makalapit ako sa bus na sinakyan ng section namin. Binilisan ko pa ang lakad ko at nilapitan ko sila.
"PRES. PRESENT!" I shouted as I stopped in front of him. Nag-angat naman siya ng ulo mula sa tinitingnan niyang papel at tiningnan ako.
"Okay," natatawa niyang sabi habang nakatingin pa rin sa akin. Nagbaba na siya ng tingin sa papel na hawak niya at ni-check ang name ko sa attendance. Napahinga naman ako nang malalim nang masiguradong ok na ang attendance ko.
Muli siyang nagtawag ng pangalan kaya napalayo na ako sa kanya at nakisiksik sa mga kaklase ko.
"Mabuti naman at umabot ka." Nilingon ko si Jemy nang magsalita siya. Nasa tabi ko na pala siya at pati na sina Rosella. Napangiti ako sa kanila.
"Oo nga eh. Muntik-muntikan na talaga!" medyo humihingal ko pang sabi. Muntikan na nga akong mahuli, kung hindi ko pa tinakbo ang pagpunta dito ay baka hindi ko talaga naabutan ang pagtawag sa pangalan ko. Kung hindi lang sana nagkainitan kanina sa bus nina kuya ay baka nakabalik agad kami. But I'm happy na hindi na sila umabot sa sapakan, trouble iyon kapag nagkataon. And I'm sure na magagalit si mommy at daddy kapag nalaman nila na may nakaaway si kuya sa school.

BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Ficção AdolescenteGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...