EVIE
Nagising ako dahil sa malakas na pagkatok sa pinto ng aking kwarto. Nagdilat ako ng mata pero agad din naman akong pumikit, inaantok pa kasi ako.
"Evie, wake up!" tawag ni kuya habang kumakatok pa rin sa pinto.
"Hmmm..." I mumbled. Nagmulat ako ng mata at tiningnan ang alarm clock na nakapatong sa side table. Anong oras na ba?
Nanlaki ang mata ko nang makitang madaling araw pa pala. What the fudge? 4 am pa ah! Ang aga namang manggising ni kuya, 8 o'clock pa ang pasok ko.
"Kuya, 4 am pa. Ang aga pa!" Pumikit ako ulit at nagtalukbong ng kumot. Inaantok pa talaga ako kaya matutulog pa ako. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto at kasunod nito ang mga mahihinang yabag. Pumasok ata si kuya.
"Evie, nakalimutan mo ba? May outreach program tayo ngayon!" aniya. Nag-isip naman ako kahit na pikit ang mga mata ko. I'm really sleepy kaya hindi maayos na nagpa-function ang utak ko.
"Outreach?" Anong outreach ang tinutukoy niya? Iyon bang-? Natigilan ako. Walang sabi-sabi akong napabangon at tiningnan ang calendar sa gilid. May pulang marka ang petsa ngayon, binilugan ko iyon to remind me of when the outreach program will happen. Ngayon pala iyon?
"Nakalimutan mo nga!" aniya at saka napailing. Naku! Nakalimutan ko talaga ang tungkol sa outreach program namin.
"Bumangon ka na diyan, aalis tayo by 5:30!" Napasimangot agad ako. Inaantok pa talaga kasi ako. Baka antukin ako nito sa outreach program namin. "Evie!" muling tawag ni kuya. Mas lalo akong napasimangot.
"Oo na, babangon na po ako. Kuya naman eh," reklamo ko. Kahit na para akong lutang dahil sa sobrang antok ay napabangon nalang ako. Kinusot ko pa ang mga mata ko bago ako pumasok sa banyo.
Ilang minuto pa akong natulala sa harap ng salamin, I'm like sleeping with my eyes wide open. Nang matauhan ako ay agad akong naligo. Ang lamig pa ng tubig kaya nagbukas pa ako ng heater. Nang matapos akong maligo ay agad din akong nagbihis. Taking a bath really help me wake up. Isinuot ko lang ang official shirt ng school namin na pinartneran ko ng maong pants. Dahil sa nilalamig ako ay nagsuot rin ako ng gray jacket. Nang masigurado kong ok na ang ayos ko ay bumaba na ako.
"Ano pa ba ang kailangan mong dalhin?" tanong ni mommy sa akin habang inaayos niya ang dadalhin kong backpack. Kasalukuyan niyang pinapasok sa bag ang pack ng wet tissue.
"Wala na mom. Hindi naman kami mag-oover night doon. Uuwi din kami mamayang hapon," nakangiti kong sabi kay mommy na mukhang nag-aalala talaga.
"Huwag kang lalayo sa mga kasama mo, pati na sa kuya mo," paalala niya na naman. Tumango nalang ako.
"Yes mom." Muli siyang naglagay ng mga gamit sa bag ko hanggang sa ipasok niya ang medicine kit ko.
"Oh! And don't forget to take your medicines. After every meal, and make sure it's on time." Napabuntong hininga ako at muli akong tumango.
"Opo mom. Don't worry mom, walang mangyayaring masama," natatawa kong sabi kay mommy. Napabuntong hininga naman ito kaya napangiti nalang ako.
•••
"Line up guys," sabi ng class president namin kaya nagpilahan naman ang Grade 11: STEM Class-A. Nandito na ako ngayon sa school at kasalukuyang tsinicheck ng class president namin ang attendance. It is a must lalo na't outside the campus ang activity, baka kasi may mawala.
"Ok, present lahat," aniya matapos masiguradong kompleto ang lahat. "Pwede na tayong sumakay sa bus. Bus 6 tayo guys!" Sinenyasan pa kami ni Pres. Poulo na sumakay na sa bus.
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...