Chapter 79 | Be Mine ℹ️

406 11 2
                                    

“All good things comes to those who wait.”
©Anonymous

—❇️—

JAVEN

“What?” Halos lumuwa na ang mga mata ko nang marinig ko ang request niya. Pilit kong iniisip kung bakit niya kailangang i-request iyon sa akin, and different answers popped out into my head. Nagsimulang gumulo ang isipan ko.

“I like you...but I can’t be with you yet.” I frowned when she said that. Gusto kong takpan ang tenga ko. I don't want to hear this from her. Not when I gathered all the courage I have just to confess to her.

Why do I need to have this answer? I really want to be with her but why? Why can’t I?

Lumalim ang aking paghinga at hindi ko na magawang tingnan siya nang maayos. “Why? Hindi mo pa ba ako mahal?” frustrated na tanong ko.

Hindi niya nga pa ba ako mahal? She said that she likes me kaya sigurado akong may nararamdam siya sa akin, but she never said that she loves me. Gusto lang niya ako at hindi mahal. Hindi pa ba sapat ang nararamdam niya para sa akin upang sagutin niya ako?

“No! It’s not like that.” Napayuko siya kaya naitaas ko ang aking kilay. “Sa katunayan nga, I think I...I think I love you.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng aking puso at hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya.

“But I’m not that sure of what I feel. I’m only sure of one thing and that’s —I really really like you.”

Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko na napigilang mapangiti pa. Did she just confessed her feelings for me?

“Pero kasi—” she continued kaya naputol ang pagpapantasya ko.

“Kasi—?”

“I made a promise to my mom.” Nag-angat siya ng tingin sa akin at diretso akong tiningnan sa mata. “Hindi pa ako pwedeng magkaboyfriend hangga’t hindi pa ako umaabot ng twenty.” My shoulder dropped after I heard her reason kung ba’t ayaw niya akong sagutin.

🎶~Mahal kita pero,
Mahal kita pero,

’Di pwede kay tatay,
’Di pwede kay nanay,
Ayaw ni tito at ni tita,
Mapili si ate pati si kuya,
Istrikto si lolo at si lola.

Mag-aral raw muna,
O mas bigyan ng oras ang pamilya.
Pero tandaan mo ’to,
Mahal na mahal kita~🎶

Ano ba naman ’yan? Hindi ba pwedeng tayo na agad? Paulit-ulit kong reklamo sa utak ko.

“Can you? I mean, can you wait for me until I turn twenty?” tanong niya nang hindi ako sumagot. Napabuntong hininga tuloy ako.

“Another 2 years?” I asked. Kaka-eighteen niya lang kaya tiyak na maghihintay pa ako ng dalawang taon para dumating ang panahong iyon. Madadagdagan na naman ang taon ng paghihintay ko. Sobrang tagal na nito ah!

“Yes,” malungkot niyang sagot sa akin. I really want her to feel secured pero may agam-agam talaga ako.

“Paano kung sa loob ng dalawang taon na iyon ay may mahalin kang iba, at paano kung ako naman ang magmahal ng iba?” I voiced out what I just thought.

Ayaw kong isa sa amin ang masaktan sa loob ng dalawang taon na iyon. Wala kasing kasiguraduhan na single pa rin kami after two years. Masasayang lang ang paghihintay namin kung mauuwi iyon sa ganoon.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon