EVIE
Everything is getting so pump up. After na mabuo ang twenty members para sa jingle competition namin ay sinimulan din agad ang pagpapractice. Everyday ay may practice kami. Kadalasan ay tuwing afternoon; after class, pero may pagkakataon din namang maaga lalo na kapag weekends. Kailangan kasi talaga naming paghandaan ito para manalo kami. Everyone is expecting a good performance from us, ayaw naman naming ipahiya ang section namin.
Pressured? Yeah, we definitely are. Pero alam naming maganda ang kalalabasan ng performance namin. I know we can do this.
"Kumusta ang practice?" Napalingon ako sa kumausap sa akin. Naikunot ko ang aking noo nang makitang si Bran pala iyon. Kasalukuyan akong nagpapahinga after an hour of practicing for the jingle competition.
"Oy Bran!" bati ko sa kanya. "Anong kumusta ang pinagsasabi mo diyan? Bakit nagtatanong ka pa, diba kasali ka naman?" natatawa kong tanong. Napatawa naman din siya.
"Wala lang, para may pag-usapan lang tayo," aniya kaya napangiti ako. Naalala ko tuloy si MP.
"Para ka namang si My Prince. Kahit ano nalang ang tinetext para lang may topic kami!" wala sa sariling sabi ko. Too late na nang marealize kong hindi ko dapat pala iyon sinabi.
"My Prince? Sino iyang My Prince na yan?" nakataas ang kilay niyang tanong na naging dahilan para matauhan ako.
"Ha? Eh-" Curse this mouth of mine.
"O! Ba't di ka makasagot? Boyfriend mo ba yan?" Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"B-Boyfriend? Hindi no! Kaibigan ko lang siya," pagtanggi ko. Nginitian niya naman ako nang nakakaloko na naging dahilan ng pagkunot ng aking noo.
"Hindi nga!?" hirit niya pa kaya napasimangot ako. Bakit ayaw niya akong paniwalaan? Parang sa lahat nalang ng sitwasyon ay lagi nalang ganito, kung saan pinagduduhan ako ng mga tao sa paligid ko. Hindi ba talaga ako trust worthy kaya hindi nila ako pinapaniwalaan?
"Ewan ko sayo," sabi ko nalang. "Balik na nga lang ako doon," pagpapatuloy ko. Tumayo na ako at iniwan ko si Bran.
"Hoy teka!" aniya as he tried to stop me. Tumayo na din siya at sinundan ako pabalik sa mga kaklase namin na ngayon ay bumalik na rin sa pagpapractice. Napailing nalang ako.
Bran Patrick Goodrich is my classmate and walang namamagitan sa aming dalawa. He was just my friend and the first guy friend I have after My Prince. Madalas ko siyang nakakausap lalo na kapag tungkol na sa mga books ang usapan kaya naging close kaming dalawa. We both love reading books at iyon talaga ang napagkakasunduan naming dalawa. Hindi rin naman siya mahirap kaibiganin dahil hindi siya tulad ng ibang lalake na intimidating, I find him comfortable to be with.
•••
Nakakapagod ang mga naging practice namin sa mga sumunod na araw lalo na't masyadong strict si Kaith sa bawat choreography. Nahirapan talaga akong sumabay sa kanila noong una but she did help me kaya ngayon ay nakakabisado ko na ang mga steps. Sa tingin ko ngayon ay ready na talaga ako sa gaganaping competition ngayong araw.
Yes! You've read it right, today is the day of our jingle competition kaya abala na ang bawat section sa kani-kanilang performance. Makikita mo nga sa bawat sulok ng high school department ang mga grupong nagpa-practice sa huling pagkakataon before ang competition.
"Guys bilisan niyo naman!" natatarantang utos ni Kaith sa amin. Malapit na kasing magsimula ang contest at hindi pa rin kami tapos sa pag-aayos. Mabuti na lang talaga at may kinuha silang make up artist at iba pang tutulong sa amin sa pag-aayos. Naku! Kung wala talaga kaming katulong ay baka abutin pa kami ng bukas sa pagpre-prepare.
![](https://img.wattpad.com/cover/14467047-288-k9500.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...