CHAPTER 52: HIS DREAM GIRL

239 12 0
                                    

EVIE

Maaga akong nagising kinabukasan. It's the second day of the SLP at mas marami pa kaming gagawin ngayon. Matapos naming magbreakfast ay nilapitan agad kami ng aming adviser para ipaalam sa amin ang next event.

"The next event will be the quiz bee. Sino ba ang representative sa group niyo?" Tanong nito.

"Kami po." Ezzia raised her hand at saka itinuro ako, si Vin and Achel. Napag-usapan na namin kagabi na kaming apat ang sasabak sa quiz bee. Tiningnan pa kami ni ma'am nang mabuti bago siya napangiti at tanguan kaming lahat.

"Mabuti't nakapagdecide na kayo! You came prepared, I'm impressed." Mas napangiti si ma'am kaya napangiti din kami. "Good luck sa inyong apat. Galingan niyo ang laban para manalo tayo!" Dagdag nito na tinanguan din namin bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. We don't know if we can win pero titiyakin naming gagalingan namin ang laban.

Sandali pang nagdiscuss si ma'am ng iilang guidelines bago siya nagpaalam sa amin. Bumalik na siya sa station nila at iniwan kami para makapaghanda na.

Tiningnan kami ng iba pa naming kasamahan bago magsimula ang event. Lumapit sa akin si Jemy at inakbayan niya ako.

"Good luck Ev! Good luck guys!" aniya. Nagngitian naman ang mga kasama namin at nag-good luck din sila sa amin.

"Thanks!" magkasabay naming sabi at nginitian namin sila. Kinakabahan na nga ako eh, pero dahil sa good luck nila ay medyo napapalakas nito ang loob ko. Alam kong kakayanin namin ito.

Sa lahat ng events sa SLP, ang quiz bowl na ata ang pinakamahirap. But I'm kinda confident na kakayanin namin ito. We have Vin, Achel and Ezzia that can surely ace this event. Matatalino at magagaling sila kaya tiyak akong may panlaban kami.

"Sige na, pumasok na kayo sa loob," ani Bran nang nakarating na kami sa isa sa mga activity center na paggaganapan ng quiz bowl.

"Ok." Sabi ko sabay tango.

"Thanks ulit sa good luck Jem!" Sabi naman ni Achel kay Jemy na tumango lang habang nakangiti.

"Galingan niyo ha! We will be cheering for you!" Jemy said at isa-isa niyang tinapik sa braso sina Ezzia, Vin at Achel. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. "Ev! Kaya mo yan!" Tumango lang ako at napangiti naman siya.

"Sige, pasok na kami." Sabi ni Vin kaya napatingin kami sa kanya lahat.

"O sige. Go Go Go! You can do it!" Cheer nila sa huling pagkakataon bago kami pumasok sa loob.

The girls lead the way papasok sa room na gaganapan ng quiz bowl at sumunod lang kami ni Vin. Halos naroon na rin lahat ng mga representative ng kabilang grupo. Nang medyo marami na kami ay pinapwesto na kami ng mga facilitators sa mga table na nakaarrange sa loob ng kwarto. Nagkaroon pa ng roll call to check kung kompleto ba ang lahat ng representative.

Nang masiguradong kompleto kami ay sinimulan na ang competition. Nagbigay sila ng maliit na whiteboard at marker kung saan namin isusulat ang mga sagot namin. Sinimulan din naman namin agad ang quiz bowl after noon.

The competition didn't lasted that long dahil after one hour ay natapos din kami.

Nang makalabas kami ay doon lang ako nakahinga nang maayos. Sobra talaga akong kinabahan habang nakikipagcompete kami, ang gagaling kasi ng mga representative ng mga kabilang grupo. Mabuti nalang at naging ok ang lahat, nakasurvive naman kami. Ang talino din kasi nina Vin at Ezzia, lagi nilang nasasagutan ang mga tanong. Lahat ng questions sa easy round ay nasagutan namin and because of them...we got the 2nd place. Nakakatuwa!

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon