EVIE
Napukaw ang diwa ko dahil sa pagsakit ng ulo ko. Hinawakan ko ito at sabay akong napadaing nang tahimik. Ano bang nangyari sa akin? Bakit ang sakit ng ulo ko.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at tiningnan ang paligid. Nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong mga tao sa harapan ko. Mabilis akong napabangon at tiningnan sila.
"Are you ok Ms. Tane?" biglang tanong sa akin ng isang babaeng mukhang kaedad ata ni mommy. Napatingin ako sa kanya nang mabuti. She's wearing an eyeglasses at may suot din itong puting coat. Doon ko lang narealize na isa siyang doctor nang kinuha niya ang stethoscope na nasa leeg niya at mabilis itong itinapat sa aking dibdib.
"Nasaan po ako?" tanong ko sa kanya. Inilibot ko pa ang aking paningin hanggang sa itinuon ko ito kay Javen. Naikunot ko ang aking noo habang nakatingin sa kanya. Bakit nandito si Javen? Lumapit siya sa akin at sabay akong nginitian.
"Evie, are you ok?" tanong niya. Hindi naman ako nakasagot. Diretso ko lang siyang tiningnan while assessing his face. Is this really Javen? Baka nananaginip lang ako.
"Uhm... hi!" biglang sabi ng isang babae sa tabi ko kaya natauhan ako. Agad akong nag-iwas ng tingin kay Javen at napatingin ako sa babae. "Nasa hospital ka. Siyangapala, I'm Ledy Elizabeth Dela Peña, Javen's big sister. Si Javen pala ang nagdala sayo dito." Naikunot ko agad ang aking noo dahil sa sinabi ng ate ni Javen. Dinala dito? Bakit niya ako dinala sa hospital? May nangyari ba sa akin kanina? Hindi ko kasi maalala ang lahat ng nangyari.
"Ano po bang nangyari sa akin?" I asked her. Inatake na naman ba ako? Naku naman o!
"Hinimatay ka kanina kaya ka dinala ni Javen dito," ate Ledy said and she gave me a smile. I heave a sigh when realizing the trouble I've caused, naabala ko pa si Javen.
"May sakit ka pala sa puso?" Javen asked, but if you hear it clearly, it's more of a statement than a question. Seryoso akong napatingin sa kanya. Alam na niya ang tungkol sa sakit ko. Oh well, tiyak na nalaman niya ito dahil nandito ako sa hospital, the doctor must have told him about my condition.
"Uhm..." I'm about to answer but I was cut off by Baille na kapapasok lang ng clinic.
"Jave!" tawag niya habang ipinapakita sa amin ang hawak niyang paper bag. Bahagya kong naitaas ang aking mga kilay. What's with the paper bag para ibalandra niya ito sa amin?
"O Baille." Tiningnan siya ni Javen at sinenyasang lumapit kaya nagdirediretso siyang naglakad papunta sa hinihigaan ko.
"Nandito na ang soup na pinainit mo." Lumapit siya sa amin at ipinatong ang paper bag sa table na nasa gilid. Napahinto ito nang mapalingon siya sa akin. "Oh! Hi Evie! Gising ka na pala." Nginitian niya ako at sabay pang kinawayan. Tumango nalang ako at nginitian siya.
Lumapit si ate Ledy sa table kung saan nakapatong ang paper bag at kinuha sa loob ang isang plastic container. Inilabas niya ito at inilagay sa table. "Hay naku Baille! Ang FC mo talaga, hindi ka na nahiya kay Miss Ganda." Napatingin ako kay ate Ledy after she said it. Miss ganda? Ako ba ang tinutukoy niya?
Nginitian naman niya ako kaya napangiti nalang din ako. I kind of feel awkward in front of them. Binuksan na niya ang plastic container at saka siya humarap ulit sa akin.
"Kumain ka muna," nakangiti niyang inabot sa akin ang plastic container kaya tiningnan ko naman ito.
"Si mommy ang nagluto niyan. I hope you like it," sabi naman ni Baille na tumabi kay Javen sa pag-upo. Napatingin ako sa pagkain sa harapan ko pero agad rin naman akong napatingin sa magkakapatid. I bit my lower lip bago ako nagsalita.
![](https://img.wattpad.com/cover/14467047-288-k9500.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Fiksi RemajaGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...