Chapter 48 | El Miranda and Newman ℹ️

221 12 0
                                    

EVIE

Hindi gaanong nagtagal ang orientation na ginanap. Matapos ipakilala ang mga school na kalahok sa SLP ay nagsialisan na rin ang lahat, pati kami ay bumalik na rin agad sa pinagpark-an ng aming bus.

Nang matanaw namin ang aming instructor na nakatayo malapit sa aming sasakyan ay agad namin siyang nilapitan, nais namin siyang tanungin tungkol sa magiging partner namin na school at kung saan kami pupunta pagkatapos dito.

Naabutan namin sina ma’am na may kausap na isang staff ng event kaya hindi nalang namin tinuloy ang paglapit. Hindi din naman nagtagal ang kanilang pag-uusap dahil umalis din ito agad lalo na’t napansin na nitong naghihintay na kami.

Binasa pa ni ma’am Ferrer ang hawak niyang papel bago siya lumapit sa amin. “Ok! Quarter 3 tayo,” aniya at saka naglakad siya papunta sa bus na siyang sasakyan namin. Napasunod naman kami sa kanya.

“Ano pong school ang makakasama namin?” agad na tanong ng isa sa mga kasamahan ko kaya nilingon siya ni ma’am. Nagkibit balikat sa kanya si ma’am kaya halos lahat ay nagkunot ng kanilang noo. Ano ito? Secret?

“Hindi nasabi sa amin ng administrator kung anong school ang makakasama natin. Pagdating natin sa area ay doon na siguro natin malalaman kung sino ang magiging partner ninyo sa kalokohan,” nakangiti niya pang sabi na ikinaseryoso naman ng karamihan. Agad ding nagkatinginan ang lahat. Ano bang iniisip nila ma’am? Hindi naman kami pumunta rito para gumawa ng kalokohan ah!

“Kalokohan talaga ma’am?” nakangiwing tanong pa ng isa sa amin. Mukhang iisa lang ang iniisip ng lahat ngayon, hindi kami nandito para magloko.

“Eh, ano pa nga ba?” Natatawa namang tugon ni ma’am kaya nahawa na rin kami. Napatawa nalang kaming lahat sa hindi naman talaga nakakatawang joke ni ma’am.

“Ma’am naman, jinojoke kami,” reklamo ng isa.

“Hay naku! Sige na, umakyat na kayo. Aalis na tayo!” Senenyasan niya pa kaming lahat na umakyat na kaya agad na kaming kumilos. Nagtanguan ang lahat at sinunod na ang utos niya.

“Opo ma’am,” sabay-sabay pa na sabi namin at saka kami sumampa sa bus. Nang makaakyat ako ay agad akong naupo, ganito rin naman ang ginawa ng lahat. Nang masiguradong kompleto na kami ay agad na kaming bumyahe papunta sa area namin. Ayon sa sabi ni ma’am ay sa quarter 3 kami inassign kaya doon na kami dumiretso.

Malayo -layo na rin ang binyahe namin nang may mapansin ako bigla. Dinungaw ko ang labas mula sa kinauupuan ko at saka ko inusisa ang mga dinaanan namin. Agad kong naikunot ang aking noo. Saan ba kami pupunta?

Ang akala ko ay doon lang ang quarter namin sa mismong compound ng school na pinuntahan namin kanina. Pero bakit parang lumabas na kami ng compound? Tiyak na malayo na rin ito mula doon?

“Guys, saan ba tayo pupunta?” hindi ko na napigilang itanong sa mga kaklase ko. Nilingon naman nila agad ako.

“Ha?” naguguluhanng tanong ni Achel at napatayo na rin siya upang usisahin ang dinadaanan namin. Hindi ba nila nahalata na lumalayo na kami? 

“Eh kasi napansin ko na medyo malayo na itong pinupuntahan natin sa school na pinuntahan natin kanina. Akala ko ay doon lang ang area natin, pero ngayon—”

Nang sabihin ko iyon ay sabay-sabay na napatingin sa labas ang mga kaklase ko. Nakiusyuso na rin pati ang iba naming kasamahan kaya bigla nalang umingay ang buong bus. Napabuntong hininga ako dahil sa kinilos nila. Kung hindi ko pa sinabi ay mukhang hindi pa nila mapapansin na lumalayo na kami. 

“Oo nga no,” patango-tango pang sabi ni Achel bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.

Nagsimulang magbulungan ang lahat kaya medyo naging uncomfortable ako. Mukhang dahil pa sa sinabi ko kaya ganito ang naging reaksyon ng lahat. Nahihiya tuloy ako. I think I made my schoolmates worry.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon