CHAPTER 55: SELOS ALERT

244 10 0
                                    

Dahil sa sinabi ni Carl ay agad na napalingon ang lahat sa kanya lalo na ang mga kagrupo nila from Newman na walang alam sa mga nangyayari kina Vin at Evie.


“Ha? Anong selos alert?” kunot noong tanong ni Jemy na napatingin pa kay Carl at saka kay Evie. Mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya si Evie para tingnan si Vin na naglalakad na palayo. Evie’s more worried about Vin for now kesa sa mga iniisip ng mga kaibigan niya.

Nang hindi sinagot ni Evie ang tanong niya  ay kay Carl naman tumingin si Jemy. Seryoso niya itong tiningnan at binigyan pa ito nang isang makahulugang tingin. She really wants to know everything about the two, kung ano ba ang meron sa dalawa. Hindi talaga siya mapapalagay kapag hindi niya nalaman ang totoo.

Carl raised his eyebrows at saka napalunok. He started to feel uncomfortable upon realizing how his words affected the atmosphere in the group.

“Uhm...” he started. Nag-iwas din agad siya ng tingin kay Jemy at sa iba pang taga-Newman. Nilingon niya ang mga kaklase niya na tahimik lang na nakatingin sa kanya para humingi ng backup. Nang mukhang wala silang planong tulungan siya ay napalingon ulit siya kina Jemy. “Si-Sige, susundan ko lang si Vin ah,” aniya at mabilis na naglakad para sundan si Vin na medyo nakakalayo na. Jemy tried to call him pero hindi na siya nilingon nito. Nagkatinginan pa sina J-Arl, Nicell, at Achel na nagulat sa biglang pagtakas ni Carl.

Nang tuluyan ng nakalayo si Carl ay sa tatlo naman tumingin si Jemy. She gave them the same look na ipinakita niya kay Carl kanina. Sandaling napatitig sa kanya ang tatlo pero katulad ni Carl ay agad din silang nagpaalam na aalis.

“Sige,” sabi ni J-Arl at gaya ni Carl ay naglakad na din siya paalis. Pati sina Achel at Nicell ay sumunod na rin sa mga kaklase nila kaya naiwan ang mga taga-Newman na diretso lang ang tingin sa kanila na naglalakad na paalis ng station nila. Biglang natahimik ang lahat and awkwardness fill the whole place.

Nang tuluyan nang mawala sa paningin nila ang lima ay napatingin agad si Jemy kay Evie. “May sasabihin ka?” tanong niya dito. It sounded more of a statement than a question. Napaharap tuloy sa kanya si Evie.

“Uhm...” Evie started but she was cut off when her friends suddenly talk.

“Sige girls, aalis na muna kami. Sumunod na lang kayo,” sabi ni Arvy sa tatlo at  hinila na niya sina Javen at Bran paalis. Pati si Shem ay sumunod na rin sa tatlo. Naramdaman kasi nila na isang pribado ang usapin at ang magbe-bestfriend dapat ang mag-usap.

Nang makaalis na rin ang lahat ay hinila agad ni Jemy sina Evie at Ezzia papunta sa isang cottage kung saan sila naupong tatlo. “So, anong meron? Bakit nagseselos iyong si Vin kay Javen?” agad na tanong ni Jemy na may kasabay pang pagtaas ng kilay. Evie breathe deeply. Napayuko siya para iwasan ang tingin ng kanyang kaibigan. Bumibigat din ang loob niya dahil sa mga nangyayari.

“Jemy, huwag mo nalang pilitin si Evie,” sabi naman ni Ezzia na panay rin ang tingin kay Evie. She’s worried for Evie kaya ayaw niya itong i-pressure lalo na’t bawal sa kanya ang makaramdam ng strong emotions.

Jemy sighed at seryoso siyang napatingin kay Evie. “Sorry! Gusto ko lang talagang malaman ang totoo para kapag umiyak ka ay alam ko kaagad kung sino ang hahanapin ko.” Evie raised her eyebrows after hearing it.

“Ha?” she asked. She looks really confused dahil hindi niya maintindihan ang pinupunto ni Jemy. Jemy heave a deep breath at nginitian ang kaibigan.

“Kung boyfriend mo man si Vin ay dapat mong sabihin sa amin, para kapag inaway ka niya at sinaktan ay maisusumbog namin agad siya kay kuya Fonce. Kapag alam ko ang totoo ay hindi na ako mahihirapan sa paghahanap sa taong nanakit sayo.” Nakapout pa siya nang sabihin iyon. Naitaas naman nina Ezzia at Evie ang kanilang mga kilay dahil sa sinabi ni Jemy.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon