"Ano bang mga bagay ang maicoconsider mong masama o bad? Kung may nasabi ka bang isang bagay sa mga taong pinagkakatiwaan mo pero alam mo namang hindi ka komportable dito, masama ba iyon? "
-❇️-
EVIE
Naiinis ko silang tiningnan na mukhang excited na talagang malaman kung sino ang crush ko. Sinimangutan ko sila saka ako nagsalita.
"Si Javen!" diretso kong sabi. Hindi ako makapaniwalang nasabi ko 'yon dahil hindi ko naman talaga alam ang sasabihin noong una. Wala naman talaga kasi akong crush.
Pagkasabi ko no'n ay napatingin silang lahat sa akin. Mukhang gulat na gulat sila dahil si Javen ang sinagot ko. Eh kahit na ako nga rin ay nagulat din sa sinabi ko. I can't believe that I really chose someone to be my crush. And I really can't believe na si Javen pa talaga ang pinili ko.
Bakit ba si Javen ang napili ko? Well I really don't know the answer. Si Javen kasi ang unang pumasok sa isip ko. Hindi na kasi ako nakapag-isip nang maayos dahil sa mga tanong na nabuo sa utak ko. Hindi ko alam kung sino ba ang gwapo, ang mabait at ang kaklase kong nakakasundo ko sa mga bagay-bagay lalo na sa klase namin? Sa tingin ko ay wala naman talaga kasi eh.
Siguro siya agad ang pumasok sa isip ko dahil siya yung pinakamalapit na lalake sa inuupuan namin. Nasa harapan lang kasi namin siya ni Rose at lagi ko pa siyang nakikita lalo na kapag nakikinig ako sa nagtuturo sa harap. Hindi naman sa nagiging choosy ako, it's just that I'm not really interested in any guy. Wala pa kasi iyan ngayon sa isip ko. Wala pa ako nararamdamang kakaiba tulad ng sinasabi nilang biglaang pagbilis ng tibok ng puso.
"Oy! Si Evie crush si Javen!" Napasimangot ako nang nagsimula na silang manukso. As expected.
Knowing my friends, iyan talaga ang gagawin nila. Ilang beses na nila iyang ginawa kina Leilyn at Ezzia dati noong may mga crushes sila at kapag may umaaligid sa kanilang mga boys. Kaya din siguro hesitant si Jemy kaninang magsalita ay dahil sa rason na ito, baka natatakot siyang tuksuhin ng mga kaibigan namin. Now I feel guilty kasi isa ako sa mga namilit sa kanya kanina.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko with this dissapointed look. Kunot na kunot ang noo ko at nakasimangot pa ako.
"Kanina pinipilit niyo ako, ngayon naman ay tutuksuhin niyo ako. Ano ba naman yan?" reklamo ko. Nakakainis na talaga sila. Dapat nga ay magpasalamat pa sila sa akin kasi malalaman na namin yung sekreto ni Jemy. Kung alam lang nila kung gaano kahirap mag-decide kung sino ang isasagot ko, kung sino ang pipiliin kong crush. It's like eating a food you really don't like. I sighed for a couple of times.
"Hihi! Sorry Ev!" Lumapit si Rosella sa akin at agad akong niyakap. Napahinga ako nang malalim. With just a hug at nawala na agad ang pagtatampo ko.
Okay na! Wala naman akong magagawa eh. Hindi ko naman kayang magalit sa kanila nang matagal lalo na at ganyan sila after. They are my friends and the truth is... they are really great to be with. Makulit nga sila but they are sweet and caring kaya hindi ka talaga magagalit.
"O Jemy, sinabi ko na. Ikaw naman ang magsalita ngayon." Akala niya nakalimutan ko na ang tungkol sa sinesekreto niya? Hindi no! Ngayon, ikaw naman Jemy ang malalagot. Haha! JOKE!
Kahit na ginanon nila ako ay ayaw ko namang gawin din iyon sa kanya. You will never enjoy the feeling of being treated that way, kaya ayaw kong iparanas din iyon sa kanya.
"Oo nga Jemy, sabihin mo na. Ano ba kasi iyon?" excited na tanong ni Rosella sa kabadong si Jemy. Nagsimula na ring maging interesado ang lahat.
"Huwag mong tatakasan 'to. It's being unfair kung hindi mo yan sasabihin," nakataas ang kilay namang sabi ni Ezzia. Wow! Ito talagang si Ezzia, stick talaga sa mga philosophy niya. Always the good girl.
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...