Chapter 2.2

4.1K 82 0
                                    

PAGKADATING ni Liezl sa bahay nila ay agad siyang sinalubong ng kapatid niyang si Jamaica. Alas-otso na ng gabi ng mga oras na iyon.
“Ate, bakit ngayon ka lang?” bungad nito sa kanya.
Nagtataka siyang tumingin dito. “Bakit?”
“Kanina pa nandito si Kuya Matt, katatapos nga lang namin mag-dinner. Kausap na siya nina Papa at Mama sa lounging area,” sagot nito.
Nagulat siya sa sinabi nito. “What?” she exclaimed and ran towards the lounging area. Bakit hindi man lang ito nagpasabi na dadalaw ito? Pagkadating niya doon ay agad na napatingin sa kanya ang mga ito.
“Why didn’t you tell me na bibisita ka ngayon?” naiinis na tanong niya dito.
“Liezl, ano ka ba naman, anak?” sabi ng Mama Irene niya. “Iyan ba ang bago mong pagbati sa bisita natin?”
“Mama,” tumingin siya dito. “I told him to come here para maipagluto ko siya, hindi man lang niya ako sinabihan na pupunta siya ngayon.”
She heard Matthew chuckled. “I didn’t know you weren’t here,” wika nito. “It’s okay, masarap naman ang niluto ng Mama mo.”
She stomped her foot. “Kahit na.”
“Anak,” wika naman ng Papa niya. “Forget about it, ang mahalaga binisita tayo ni Matthew. Ang dami niyang schedule pero nagawa pa rin niya tayong dalawin dito. Come on, huwag ka ng magtampo sa kanya.”
“Okay,” pagsuko niya. “Basta mananatili siya dito at manonood ng movies kasama ako.”
Napabuntong-hininga ang Papa niya. Tumingin ito kay Matthew. “Pagpasensiyahan mo na itong anak ko, hijo. Alam mo naman na spoiled ito sa’yo.”
Tumango lang si Matthew at ngumiti. “It’s okay, Tito. Wala naman akong masyadong gagawin sa ospital bukas. I can stay here for a while and watch movies with your princess.”
Natuwa siya sa narinig mula dito.
Napailing na lang ang Mama niya at tumayo na. “Oh, sige, maiwan na muna namin kayo,” tiningnan siya nito. “Huwag ka ng masyadong maraming hinihiling dito kay Matthew, ha? Kawawa naman itong batang ito sa’yo,” iyon lang at umalis na ang mga ito.
Agad niyang hinila patayo si Matthew. Nagpadala na lang ito sa kanya. He looked so good wearing that gray shirt and dark blue trousers.
“So, what are we going to watch tonight?” tanong nito.
“Kahit ano,” masayang sagot niya. Naglalakad na sila paitaas nang harangan ng kapatid niyang si Jamaica ang daan nila.
“Manonood ka na naman ng movies kasama siya, Kuya Matt?” tanong nito dito.
Ngumiti lang si Matthew at tumango.
“Akala ko ba ako ang kasama mong manood?” pagpapatuloy nito.
Tiningnan niya ang kapatid. “May pasok ka pa bukas, Jamaica. Go to your room and sleep.”
“I don’t want to,” humawak ito sa braso ni Matthew. “Ako naman ang pagbigyan mo, Kuya Matt. Palagi na lang si Ate.”
“Well,” tugon ni Matthew. “Why don’t we just watch a movie together in the living room?”
“No!” magkasabay pa nilang sagot na magkapatid.
“Jamaica,” narinig nilang tawag ng Mama nila sa ibaba ng hagdan. “Pabayaan mo na muna ang kapatid mo kay Kuya Matthew mo. Pumunta ka dito sa baba at pag-uusapan natin ang grade cards mo.”
Naiinis na napabuntong-hininga ang kapatid niya.
She stuck out her tongue. “Sinabi ko na sa’yong mag-aral ka ng mabuti,” she mocked.
Inirapan lang siya nito bago padabog na bumaba ng hagdan.
Tuluyan niya ng hinila sa loob ng kuwarto niya si Matthew. Natatawa lang itong naupo sa kama pagkapasok.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon