PAGKAPASOK ni Liezl sa bahay nila ay agad siyang dumiretso sa dining area para kumain, sigurado siyang naghahapunan na ang pamilya niya ng mga oras na iyon.
"I'm back," wika niya nang makapasok sa dining area. Napatigil siya sa paghakbang nang makita kung sino ang kasalo ng pamilya niya sa hapag-kainan. It was Matthew! Agad na nagtama ang mga tingin nila. Gosh, she missed him so much! Parang mas gumuwapo pa itong lalo sa suot nitong white long-sleeve shirt at brown denims.
"Anak, saluhan mo na kami dito," wika ng Mama niya. "Mabuti naman at maaga kang nakauwi at naabutan mo itong si Matthew."
Lumapit siya sa mga ito at umupo sa tapat na silya ni Matthew. Gusto niya sanang tumabi dito pero nandoon na naman nakaupo si Jamaica. Ngumiti ito nang makaupo siya. Oh, gustong-gusto niya itong yakapin at halikan ng mga sandaling iyon.
Tahimik siyang kumakain habang ito naman ay sumasagot lang sa mga tanong ng Papa niya at ni Jamaica. Pero hindi rin nila mapigilan ang panaka-nakang sulyap sa isa't isa.
"Gusto mo bang manood ulit tayo ng movie sa kuwarto ko, Kuya Matt?" narinig niyang tanong dito ni Jamaica.
"No!" siya na ang sumagot noon. Tiningnan niya ito ng masama.
"Hindi ikaw ang kausap ko," sagot pa nito.
"Tigilan niyo na 'yan," awat ng Papa nila sa kanila. "Hayaan mo na muna ang ate mong makasama si Matthew, matagal ding hindi nagkikita ang dalawang ito."
Napangiti siya sa sinabi ng ama. Lumukot naman ang mukha ni Jamaica.
"May apples pa po ba tayo sa kitchen, Mama?" tanong niya sa ina.
"Oo, gusto mo ba? Ikukuha kita," sagot nito. Aktong tatayo na ito nang pigilan niya.
"Huwag na po, ako na lang," tumayo na siya at tumungo sa kusina. Lumapit siya sa basket ng mga prutas na nakapatong sa table na nandoon at kumuha ng dalawang mansanas. Pagkatapos ay lumapit siya sa lababo at hinugasan ang mga iyon.
Maya-maya ay naramdaman niya ang mga brasong yumakap mula sa likod niya. Kilala niya kung sino iyon.
"I missed you," bulong ni Matthew at hinalikan ang buhok niya.
Ngumiti siya. Binitiwan niya ang hawak na mga mansanas at humarap dito. She could smell his masculine scent and she could feel the heat coming from his body. Ikinawit niya ang mga kamay sa leeg nito habang nakapulupot pa rin ang mga kamay nito sa baywang niya. "I missed you too," ganting bulong niya.
Ngumiti ito at tinitigan ang mukha niya. "You look more beautiful, sweetie," he said in a thick voice. She could feel him growing hard and his eyes smoldered with desire.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Wild fire was already conquering her whole body at that time. Hindi niya na napigilan ang sarili kaya inabot niya ang ulo nito at hinalikan ito sa mga labi. Agad naman nitong tinugon ang halik niya. She missed him so much, ilang araw niya ring hindi natitikman ang mga labi nito. It was the sweetest thing she ever tasted and she couldn't live a single day without it.
Pareho silang naghahabol ng hininga pagkatapos ng halik na pinagsaluhan. "I want you so much, sweetie," bulong nito.
Her hands moved down to his muscled chest, still breathing heavily. "Come to my room," bulong niya. She knew it was a silly request, but she couldn't take it anymore. She wanted him, too.
Pagtingin niya dito ay nakita niya ang ngiting naglalaro sa mga labi nito. Mabilis siyang napalayo dito nang marinig ang pagtawag ng Mama niya mula sa labas ng kusina.
"Liezl, tatapusin mo pa ba ang pagkain mo?" tanong nito nang makapasok sa loob ng kusina dala ang ilang mga pinggan.
Muli niyang kinuha ang mga mansanas sa lababo at hinugasan ulit iyon bago sinimulang kagatin. Iniabot niya kay Matthew ang isa. "Hindi na po," sagot niya. Tiningnan niya si Matthew nang muli itong lumabas ng kusina.
"Siya, sige," wika ng Mama niya. "Tulungan mo muna ako dito sa kusina bago kayo manood ni Matthew ng pelikula, ha?"
Tumango na lang siya at sumunod sa utos nito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
Storie d'amoreLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...