AGAD na pinasalamatan ni Liezl ang nurse na nagsabi sa kanya kung nasaang kuwarto ng pasyente si Matthew ng mga oras na iyon. Pagkarating doon ay bahagya siyang sumilip sa nakaawang na pinto, nakita niya ito doon kausap ang babaeng sa pagkakatanda niya ay Elij ang pangalan. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito, ang kapatid naman ng babae ay mahimbing na natutulog sa kama.
Hindi napaghandaan ng puso niya ang sumunod na nangyari. Nakita niya na lang nang bahagyang tumingkayad si Elij at ginawaran ng halik ang mga labi ni Matthew. Mabilis niyang inilayo ang sarili sa pinto at nanghihinang napasandal sa dingding. Hindi niya alam kung gumagana pa ba ang isip niya ng mga sandaling iyon. Bakit ba siya nagkakaganito? Hindi niya dapat ito nararamdaman.
She gathered all her senses back and walked away from that room. Dumiretso siya sa loob ng opisina nito at doon ito hinintay.
Ilang sandali lang ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Tumingin siya dito nang makapasok ito sa loob, nagulat pa ito nang makita siyang nakaupo sa couch. Dumiretso ito sa upuan nito at tinanggal ang suot na white coat.
Tumayo siya. "Did you have fun?" she mocked at him.
Hindi ito sumagot.
"Ganito ba talaga ang ginagawa mo sa kahit kaninong babeng nandito sa ospital mo?" tumaas na ang boses niya.
May talim ang mga mata nito nang tumingin sa kanya. "What do you want now, Liezl?" he snapped angrily.
Umismid siya. Ito pa ang may ganang magalit. "Hindi ka ba marunong maging loyal sa isang babae, Matthew? Dine-date mo si Alyzza pero nakikipag-halikan ka sa ibang babae behind her back!" she yelled furiously.
Naupo ito sa upuan nito. "Huwag kang makialam sa mga relasyon ko sa mga babae, Liezl, dahil hindi ako nakikialam sa relasyon mo."
Napipilan siya sa sinabi nito. Nanatili siyang tahimik ng ilang minuto bago marahang tumango. "I see, I'm sorry," marahang tugon niya. "Pumunta ako dito dahil gusto sa'yo itong ipabigay ni Christopher," ipinatong niya sa mesa nito ang folder na hawak. "Tawagan mo na lang siya kapag may gusto ka pang itanong," iyon lang at mabilis niya ng nilisan ang opisina nito.
Tumakbo siya patungo sa kotse niya, nagsimula nang dumaloy ang mga luha sa mukha niya. Pagkapasok ay agad niyang isinubsob ang mukha sa manibela. Bakit ba siya nasasaktan ng ganito? Hindi niya alam kung para ba talaga kay Alyzza ang mga sinabi niya dito. Pero tama naman ito, kaibigan lang siya nito kaya wala siyang karapatang kontrolin ang pakikipag-relasyon nito sa mga babae. Pero bakit ganito na lang ang hapding nararamdaman ng puso niya?

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...