BUMANGON si Liezl sa pagkakahiga sa kama niya, doon na siya ulit nakatira sa bahay nila sa Magallanes dahil iyon ang hiniling ng Papa niya. Ilang linggo na ang nakalipas simula nang makabalik sila ni Matthew dito sa Maynila. Lumapit siya sa built-in closet na naroroon at pinalitan ang suot na pantulog ng jogging pants at walking shirt. Hindi pa rin talaga siya sanay sa bahay na ito.
Nagpaalam siya sa mga magulang niya na maglalakad-lakad muna siya sa labas, pinayagan naman siya ng mga ito.
She was ambling through a boardwalk inside the park near their house, gulong-gulo na ang isipan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit palagi na lang pumapasok sa isipan niya si Matthew nitong mga nakaraang araw, his smile, his dark brown eyes and his hot body. Simula nang makita niya ang magandang built ng katawan nito noong huling gabi nila sa mansiyon nito sa Tagaytay Heights ay hindi na nagiging matino ang daloy ng isipan niya, maging sa panaginip ay ito ang nakikita niya. Ano ba talagang problema niya? Ganito ba talaga ang mga may sakit na amnesia? Napa-paranoid na?
Patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa matanaw niya ang isang bench hindi kalayuan sa kanya. Lumakad siya papunta doon, magpapahinga na lang muna siya. Malapit na siya sa bench na iyon nang bigla siyang mapatigil, her eyes widened and things around her seemed to have stopped…
…Ipinagpatuloy lang niya ang pag-jo-jogging kahit na madilim na ang buong paligid. Alam niya namang ligtas siya sa park na iyon dahil malapit lang naman iyon sa bahay nila. Kailangan niyang mag-exercise dahil naparami na naman ang sweets na kinain niya. Bakit ba naman kasi ang daming pasalubong ng boss niyang si Christopher?
Binilisan niya ang pagtakbo nang bigla siyang matalapid sa mga paang nakaharang sa dinaraanan niya. Mabuti na lang at agad niyang naituon ang mga kamay sa damuhan dahil baka tuluyan ng napasubsob ang mukha niya sa lupa.
“Yah! Bakit ka ba dito natutulog sa bench na ito?!” bulyaw niya sa lalaking may kagagawan ng pagkadapa niya. “Wala ka bang matulugang bahay?” pagpapatuloy niya habang pinapagpagan ang nadumihang mga kamay.
“Miss, pasensiya na,” paghingi nito ng tawad. “Nasaktan ka ba?”
“Ano ba sa tingin—” naputol ang sasabihin niya nang mapalingon sa mukha nito. Oh my gosh, he was like a prince that came out of the storybooks. Nasa guwapong mukha nito ang pag-aalala habang nakatingin sa kanya. Napakamot pa ito sa ulo.
“Pasensiya ka na talaga. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako,” bumuntong-hininga pa ito. “Masyado siguro akong napagod sa trabaho. May sugat ka ba? Gusto mong dalhin kita sa ospital?”
She shook her head, totally mesmerized by his looks and his soothing baritone voice.
Umisod ito ng pagkakaupo sa bench. “Have a seat,” alok nito.
Sumunod naman siya at naupo sa tabi nito. “Pasensiya ka na kung nasigawan kita.”
“Ayos lang ‘yon. Ako naman ang may kasalanan,” tumingin ito sa kanya at inilahad ang isang kamay. “I’m Justin. Justin Aguirre. And you are?”
Nahihiya pa niyang tinanggap ang pakikipag-kamay nito. “Liezl Castro.”
“Nice to meet you, Liezl,” wika nito at bahagyang pinisil ang kamay niya na hawak nito. Alam niya na ng mga oras na iyon ay natagpuan niya na ang lalaki ng buhay niya…
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...