NAGTAKA si Liezl nang bumisita si Justin sa MicroGet ilang araw matapos ang kaarawan ni Matthew. Lumapit siya dito at tinanong kung anong kailangan nito.
"I came here, kasi magpa-paalam sana ako sa'yo," sabi nito.
Kumunot ang noo niya. "Bakit? Saan ka pupunta?"
"May kailangan kasi ulit akong asikasuhin sa brokerage firm ko sa Canada, tungkol sa coffee products na ipapasok doon mula dito sa atin," sagot nito. "Kailangan ko ring isama ang kaibigan mong si Alyzza dahil siya ang nais makausap ng mga businessmen importers na nandoon."
"Si Alyzza?" nagtatakang ulit niya sa pangalan ng kaibigan.
"Oo, nagustuhan kasi ng mga importers doon ang presentation niya noong ipinadala siya doon ni Christopher."
"Nasabi nga sa akin ni Christopher," tumango-tango siya. "Brokerage mo pala ang humahawak doon," nginitian niya ito. "Gaano kayo katagal?"
"Hindi ko pa alam," sagot nito. "Base iyon sa tagal ng proseso. Ayos lang ba sa'yo?"
Tumango siya.
"Tatawagan na lang ulit kita. Mamayang hapon na ang flight namin. May gusto ka bang pasalubong?"
Umiling siya. "Mag-iingat ka na lang."
Tumango ito. "Okay, aalis na ako. Mag-iingat ka rin dito. Ayoko ng mababalitaang may nangyari uling masama sa'yo."
Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makaalis ito. Hindi niya alam kung bakit may parte ng puso niya ang nasisiyahan sa kaalamang aalis ng bansa si Alyzza. Napailing na lang siya at itinuon ang sarili sa trabaho.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...