Chapter 5.5

3.8K 90 10
                                    

MATTHEW tried to contact Liezl's number but it was unattended. Gusto niyang humingi ng pasensiya sa mga nasabi niya kanina, he didn't mean to say it. Masyado lang siyang nadala ng inis niya sa sarili. Ibinalik niya sa bulsa ng white coat ang cell phone at nagpasyang puntahan na lang ito. Nasa main entrance na siya ng ospital nang awtomatikong mapatigil ang mga paa niya. Halos tumigil ang pag-inog ng mundo niya habang nakatingin sa pasyenteng ipinasok ng mga paramedics sa loob. He was already trembling with fear but he tried to run towards them. "Liezl!" he shouted. Hindi niya alam ang gagawin sa nakikitang ayos nito. She was covered with her own blood and he couldn't look at her like that. May oxygen ng nakakabit dito. "Liz!" niyugyog niya ito habang patuloy pa rin sa pagtakbo. Tumulo na ang mga luha sa mukha niya. "No! Wake up!" Tumingin siya sa katabing paramedic. "What the hell happened?!" "Car accident po," sagot nito. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Liezl. She looked totally lifeless at that time. Hindi niya kaya itong makitang ganoon. "No! Liz, please! Open your eyes!" Bumukas ang sliding door ng operating room at hinarangan siya ni Dr. Santos na pumasok. Tuloy lang na itinulak ng mga paramedics sa loob ang stretcher na kinalalagyan ni Liezl. "I need to go inside!" bulyaw niya dito. "I'll perform the operation, Azcarraga. Sa tingin mo ba magagawa mo ng ayos ang trabaho mo sa kalagayan mo ngayon?" tanong nito. Napatingin siya dito. Tama ito, nanginginig ang buong katawan niya at hindi siya makapag-isip ng tama. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Papasok na ito sa loob nang pigilan niya ito sa braso. "K-Kate... save her," pagmamakaawa niya dito. "Please, please gawin mo ang lahat para mailigtas siya." Tumango lang ito at tuluyan ng pumasok sa operating room. "Please..." pabagsak siyang napaluhod sa sahig. He looked at his shaking hands that were full of her blood. "Please..." hindi niya na napigilan ang sariling mapahagulgol sa pag-iyak ng mga oras na iyon. Please, just save her! God, please... kinuha mo na ang pamilya ko, siya ang bumuo sa pagkatao ko ng mga panahon na iyon. Hindi ko na kaya pang maiwanan ulit... please, please, please... I promise to protect her all my life, just save her. Kayo na lang ang alam kong makakatulong sa akin ngayon. Mahal na mahal ko siya... Naramdaman niya ang paglapit ng ibang nurses sa kanya at tinulungan siyang tumayo. "Doc, maaayos din po ang lahat," narinig niyang wika ng isa sa mga ito sa kanya. "Liz..." patuloy niyang pag-banggit sa pangalan nito. Please, stay with me. Ayos lang na hindi mo na ako magawang mahalin katulad ng pagmamahal ko sa'yo. Just stay with me, stay where I can still see you.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon