MULING tumikhim si Matthew bago tumingin kay Christopher. Nakita pa niya ang pag-ngiti nito.
“So, iyan pala ang dahilan kaya madalang ka ng bumisita sa society, ha?” pagsisimula nito.
He exhaled, trying to erase the remaining passion inside him. He was still very hard inside his pants. Hindi niya na talaga magawang pigilin ang sarili kapag nakikita niya si Liezl. Kung hindi lang talaga dumating itong si Christopher ay baka tuluyan na siyang hindi nakapagpigil at dito mismo ay naangkin niya na ito, dahil iyon lang ang bagay na tumatakbo sa isip niya kanina.
Oh, she tasted so good. Kahit habang buhay niyang tikman ang mga labi nito ay hinding-hindi siya magsasawa. Muli siyang napapikit, pinipilit alisin ang alaala ng pangyayari kani-kanina lang. “May kailangan ka ba?” tanong niya dito.
“May luncheon meeting ang mga stockholders ng MicroGet sa darating na Linggo,” sagot nito.
Binuksan niya ang mga mata. “May pupuntahan ako, puwede bang itawag mo na lang sa akin ang napag-usapan?”
“Hindi ka na nga dumalo sa board meeting noon, mukhang abalang-abala ka talaga sa sekretarya ko, ah?” napailing pa ito.
“Pasensiya na talaga, pare,” paghingi niya nga paumanhin dito.
Bumuntong-hininga ito. “I understand. Papunta ako ng London this week, baka matagalan ang pagbalik ko. Tungkol sa nangyaring shooting incident na naging dahilan ng aksidente ni Liezl, kumikilos na ang mga tauhan ni Rafael para mahanap ang mga suspects. Sa tingin niya daw kasi, may kinalaman din iyon sa nangyaring pagsugod sa kanya noong araw na naaksidente din si Liezl.”
“Sino kaya ang mga gumagawa noon?”
“Sa tingin ko, ako talaga ang puntirya ng mga iyon. Ilang beses na rin akong nakakatanggap ng mga death threats,” sagot nito at napailing. “Ang dami ng nadadamay dahil sa akin.”
“Huwag mong sisihin ang sarili mo, pare,” aniya. “Bakit hindi mo na lang ipahawak sa mga awtoridad ang tungkol dito. Para mabigyan ka nila ng proteksiyon.”
Napangiti ito. “Hindi na, baka ma-apektuhan ang trabaho ko. Saka ayokong umabot pa kay Mama ang tungkol dito, siguradong mag-aalala iyon. Plano pa namang bumalik na dito sa bansa.”
Tumango siya. “Mag-iingat ka lang, pare,” paalala niya dito. Malamang na mga kalaban nito sa negosyo ang gumagawa ng mga bagay na iyon dito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...