NASA mukha ni Liezl ang pagtataka nang pumasok sila ni Matthew sa loob ng isang malaking bahay sa Magallanes. Napatingin siya kay Matthew, hawak nito ang bag ng mga gamit niya. Ngumiti lang ito at napatingin siya sa sumalubong sa kanila, ito ang Papa at Mama niya.
“Anak, mabuti naman at nakauwi ka na. Inayos na namin ang kuwarto mo sa itaas nang tumawag kanina si Matthew,” ani Papa niya at humakbang palapit sa kanya.
Awtomatikong napaatras ang mga paa niya, kumapit siya sa braso ni Matthew. “Matthew…” bahagya siyang nagtago sa likod nito.
Nakita niya nang humakbang din palapit ang Mama niya, nasa mga mata nito ang luha. “Liezl, anak…”
Napailing siya. Hindi niya talaga maalala ang mga ito kahit anong pilit niya. Maging siya ay naaawa sa nakikita niya sa mga mata ng mga ito subalit hindi niya naman magawang lumapit sa mga ito. Hindi niya alam kung kaya niyang tumira sa isang bahay kasama ang mga taong hindi niya maalala.
“Liz, it’s okay,” narinig niyang sabi ni Matthew. “Magulang mo sila, hindi ka nila sasaktan. Hindi mo ba natatandaan ang bahay na ito? This is your home.”
Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay. It was huge and had a European style, pero hindi niya iyon maalala. Umiling siya at muling tumingin kay Matthew, may pagmamakaawa sa mga mata niya. “Can I stay in your house, Matt?” she asked in a soft voice.
Bahagyang nagulat si Matthew sa tanong niyang iyon, inilipat nito ang tingin sa mga magulang niya. Tumingin din siya sa mga ito at nakita ang pagbuntong-hininga ng ama niya.
“Ayos lang iyon, hijo,” wika nito kay Matthew. “Kung iyon ang gusto niya. Basta anak, pilitin mong maalala kami. Miss na miss ka na namin,” baling nito sa kanya.
Napayuko siya.
“Matthew, hijo,” pagpapatuloy ng Papa niya. “Ikaw na ang bahala sa anak ko, huwag na huwag mo siyang pababayaan. Napakalaki ng pasasalamat ko na nandito ka sa tabi niya ng mga panahon na ito. Ikaw na lang ang maaasahan namin para sa tuluyan niyang pag-galing. Pasensiya ka na rin sa sobrang abala na ibinibigay namin sa’yo.”
“Wala po iyon, Tito,” sagot ni Matthew. “Alam niyo naman pong para ko na rin kayong pamilya.”
Napatango na lang ito. “Sige na, mukhang kailangan niyo ng magpahinga. Liezl, anak, bibisitahin mo naman kami dito, ha? Mahal na mahal ka naming lahat.”
Tumango siya at nginitian ang mga ito. “Salamat po,” wika niya bago mag-paalam. Sana naman ay maalala niya na ang mga ito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...