Chapter 12.3

3.2K 64 0
                                    


NAKITA ni Liezl ang galak sa mukha ng buong pamilya niya nang sabihin niyang naaalala niya na ang lahat. Nasa harap sila ng hapag-kainan ng mga oras na iyon para mag-hapunan, nakaupo sa tabi niya si Justin.

"Mabuti naman at naging malinaw na sa'yo ang lahat, anak," wika ng kanyang Mama. "Ang tagal naming hinintay ang araw na ito."

Ngumiti siya. Matagal na panahon din pala siyang nawalan ng alaala.

"Alam na ba ni Kuya Matthew ang tungkol dito, Ate?" tanong sa kanya ni Jamaica.

Napatingin siya dito. "Oo nga pala, sasabihin ko sa kanya bukas. Siguradong matutuwa iyon, hindi ba, Justin?" pagbaling niya ng atensiyon dito ay napansin niyang parang may malalim itong iniisip. "Justin," pukaw niya dito.

Napatingin ito sa kanya. "Oh, I'm sorry. May iniisip lang ako."

Tumango siya. "Work? Katulad ka pa rin talaga ng dati. Gusto ko na ring bumalik sa trabaho, matagal-tagal din akong naka-leave."

Tumango lang din ito at nagpatuloy na sila sa pagkain.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon