Chapter 7.3

3.3K 70 0
                                    

HINDI niya naman nagawang makatulog, kanina pa siya bumalik sa pagkaka-upo at pinaglalaruan ang mga roses na ipinadala sa kanya. Tinatanggal niya ang mga petals niyon at itinatapon sa kama. Kalat na kalat na ang mga pulang petals sa kama niya, maging sa sahig. Those bunches of roses were from her families and friends na hindi niya magawang maalala. Tiningnan niya ang card na nakakabit sa bunch of roses na hawak.
Take good care of yourself… I miss you…
Justin.
“Justin, Justin, Justin,” sambit niya sa pangalang iyon. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit na alalahanin ito. Muli siyang napamulat at napabuntong-hininga. Itinapon niya ang card sa tabi. “Nasaan na kaya si Matthew?” Kanina pa niya ito hinihintay na pumasok sa kuwarto niya pero lampas alas-sais na ng gabi ay wala pa ito. Saan na kaya nakarating ang mga iyon?
Patuloy lang siya sa pag-ubos ng mga petals sa roses nang bumukas ang pinto at pumasok ang taong kanina niya pang hinihintay. Mabilis niyang binitawan ang mga roses at bumalik sa pagkakahiga, nagtalukbong ulit siya ng kumot nang makitang lumapit ito.
“Liz,” tawag nito. “Tutulog ka na ba? Hindi ka pa kumakain.”
Hindi niya ito sinagot.
“What happened to the roses?” dugtong na tanong pa nito. Marahan nitong tinanggal ang kumot sa mukha niya. “Kumain ka muna.”
Tinalikuran niya lang ito.
“What’s wrong? Galit ka ba sa akin?” nag-aalalang tanong nito.
Hindi niya pa rin ito sinagot. Ipinikit niya lang ang mga mata.
“Liz…” hinaplos nito ang buhok niya. Naramdaman niyang umupo ito sa gilid ng kama. “What’s wrong, sweetie?”
Bahagya niya itong sinilip. “Nasaan na ang girlfriend mo?” tanong niya naman dito.
“Girlfriend? Sino? Si Claire?” ngumiti ito. “She’s not my girlfriend anymore. Matagal na kaming hiwalay. Naipaliwanag ko na iyon sa kanya kanina. Hindi ko naman alam na susundan niya talaga ako dito.”
Tuluyan na siyang tumingin dito. “Saan ka galing? Bakit ang tagal mo?”
“Galing ako sa ospital ko sa Greenhills, kailangan nila ng isa pang doktor doon dahil sa mga isinugod na pasyente mula sa isang traffic accident,” hinaplos nito ang nakalukot pa rin niyang mukha. “Hinahanap mo ba ako? Bakit? Wala bang bumisita kanina?”
Tinulungan siya nitong umupo. “Meron, si Christopher. ‘Yong sinabi mong boss ko sa trabaho. Nangumusta lang siya at nagbigay ng roses at fruits,” nawala na ang inis niya dito. Tinitigan niya ito, mukhang pagod na pagod ito. Hinaplos niya ang mukha nito at ngumiti. “Nag-dinner ka na?”
Umiling ito. “Sasabay na sana ako sa’yo,” sagot nito.
Tumango siya at hinayaan itong alalayan siya patayo. Kumapit siya sa braso nito habang naglalakad sila patungo sa cafeteria ng ospital.

A/N: Pasensiya na kayo kung walang spacings at may mga typo, ha? Copy-paste lang kasi ito sa manuscript. Unedited pa. You can buy hardcopy book naman if you want the edited version (may ilang additional scenes din doon 😊).

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon