Chapter 15.2

3.8K 58 1
                                    


ILANG araw na ang lumipas matapos ang pinagsaluhan nilang gabi ni Matthew sa unit nito. Hindi niya pa ulit ito nakikita dahil naging busy ito sa mga pasyente nito sa ospital at siya naman ay halos hindi na makatayo sa dami ng trabahong pinagagawa sa kanya ni Christopher. May bago kasing gadget na ilalabas ang kumpanya nila sa Europe. Kahit ganoon ay hindi naman nakakalimutan ni Matthew na tawagan siya kapag may bakanteng oras ito.

Tulad ngayon, kasalukuyan siyang nagpa-file ng accounting reports ng MicroGet nang makatanggap siya ng tawag mula dito. Agad niyang itinigil ang ginagawa at sinagot iyon.

"I miss you, sweetie," bungad nito sa kanya.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. "I miss you, too. Marami ka pa rin bang ginagawa diyan?"

"Medyo. May operation pa akong gagawin maya-maya," sagot nito. "Tumawag lang ako dahil gusto kong marinig ang boses mo. Ikaw, marami ka rin bang ginagawa diyan?"

"Oo, ang dami kasing pinapa-file na reports ni Christopher, tapos ang dami ding pinapa-summarize na proposals," sumbong niya dito.

"Ganoon ba? Sige, pagsasabihan ko 'yang si Christopher."

Tumawa siya. "Huwag na, kaya ko naman ito."

"Sigurado ka? Basta sabihin mo sa akin kapag pinapahirapan ka niya, ha? I need to hang up now, sweetie. Kailangan na ako sa OR. I love you."

"I love you too," sagot niya. Nangingiti pa rin siya habang itinutuloy ang pagpa-file ng mga accounting reports.

"Mukhang nag-e-enjoy ka diyan sa ginagawa mo, ah?" narinig niyang wika ni Christopher na nasa tabi niya na pala.

Napatingin siya dito.

"Mukhang napakasaya mo nitong mga nakaraang araw, Liz," puna nito. "Let me guess," bahagya itong lumapit sa kanya at bumulong. "Matthew?"

Nanlaki ang mga mata niya. "How did you—"

Naging pilyo ang ngiti nito nang lumayo sa kanya. "Gotcha," tumawa pa ito. "Hinuhuli lang naman kita."

Tiningnan niya ito ng masama.

"May investors na dadating dito mamaya para tingnan ang kumpanya," mabilis na palit nito sa usapan. "Tutal naman, nasa magandang mood ka, gusto kong samahan mo akong i-tour sila dito," iyon lang at kumindat pa ito bago muling tumalikod. But he stopped and turned to look at her again. "Iimbitahan mo ako kapag plano mo ng magpakasal, ha?" tudyo pa nito.

Agad namang namula ang mukha niya. "Bakit ikaw, Christopher? Kailan mo ba balak magpakasal?" ganting-tanong niya dito.

Bigla itong napatawa sa tanong niya. "I'll think about it, Liz. That's a very nice question, though. Ilang beses na rin 'yang tinatanong sa akin ni Mama. Sa tingin ko, kailangan ko na talagang humanap ng asawa bago siya dumating," nasa tono nito ang pagbibiro pero nakikita niya sa mga mata nito ang kaseryosohan.

Nakasunod na lang ang tingin niya dito hanggang sa makapasok ito sa opisina nito. Sigurado siyang maraming pipilang babae kung sakali mang naisin na nga nitong mag-asawa. Nandito na ang lahat na mahihiling ng mga babae para sa isang asawa. Hindi pala lahat, sino ba namang matinong babae ang hihiling ng babaerong asawa?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon