HE slowly opened his eyes; he couldn't move due to the pain all over his body. Iginala niya ang paningin sa kinaroroonan, ang nakikita niya lang ay bubong na gawa sa kawayan. Nasa isang kubo siguro siya.
"Mabuti naman at gising ka na," narinig niyang boses ng isang babae.
Pinilit niyang igalaw ang ulo at tumingin sa tabi. Nakita niya ang isang babaeng nakaupo sa upuang malapit sa kama niya. She must be on her thirties. Tinitigan niya ang mukha nito, parang nakita niya na ito noon. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala kung saan ito nakita. Ito ang babaeng inutusang bumaril sa kanya.
"Naaalala mo ba ako?" tanong nito, nag-aalangan pa itong tumingin sa kanya.
"S-Sandra, right?" mahinang tugon niya nang maalala ang pangalan nito.
Nahihiya pa itong ngumiti. "Pasensiya ka na sa nangyari. Hindi ko alam kung anong atraso mo kay Brian o kay Anthony, pero huwag kang mag-alala, ligtas ka sa lugar na ito."
"Nasaan tayo?"
"Nandito tayo sa isang isla sa Palawan, pag-aari ito ng pamilya ko," sagot nito. "Gusto mo bang kumain? Halos isang linggo ka ring walang malay."
Hindi niya ito sinagot. Tinitigan niya lang ang mukha nito. Maganda ito, subalit punong-puno ng kalungkutan ang mga mata nito. May mga marka ng pinagdaanang sugat din ang mukha nito. "Bakit mo ako ini-ligtas?" iyon ang tanong na gustong-gusto niyang itanong dito.
Yumuko ito. "Noong una, nakapag-desisyon na talaga akong patayin ka. Dahil iyon lang ang paraan para tuluyan na akong makalaya sa isang sumpa ng buhay ko. Naisip ko na isang pagpatay na lang ang gagawin ko, wala ng susunod," namuo ang mga luha sa mga mata nito. "Pero nakita ko ang pagluha mo. Naalala ko noong mamatay ang nakababata kong kapatid sa harapan ko ilang taon na ang nakalipas. Kasing-edad mo na siguro siya ngayon kung nabubuhay pa siya. Pinatay siya ng mga walang kuwentang ahente ng gobyerno na gustong agawin ang lupain namin sa Davao. Wala akong nagawa noon para tulungan siya."
"I'm sorry," bulong niya. Alam niya ang nararamdamang sakit nito dahil nawalan din siya ng pamilya.
"Pinagsisisihan ko ang lahat ng kasalanang ginawa ko noon, pero masaya ako nang iligtas kita. Parang nailigtas ko na rin ang kapatid ko," ngumiti ito at pinunasan ang mga luha.
Pinilit niya ang sariling umupo pero masakit pa rin ang katawan niya lalo na ang kaliwang binti niyang napilayan. Agad siya nitong nilapitan at ibinalik sa pagkakahiga.
"Hindi pa magaling ang mga sugat mo, huwag ka muna masyadong gumalaw," anito.
"Kailangan ko ng bumalik sa Maynila. Siguradong nag-aalala na sila sa akin," sabi niya.
Nag-iwas ito ng tingin. "Pasensiya na, pero hindi ka pa maaaring umuwi," wika nito.
Napatingin siya dito. "What?"
"Hindi nila puwedeng malaman kung nasaan ka. Siguradong hinahanap na tayo ni Brian ngayon, alam kong hindi ko siya napuruhan noon. Papatayin niya tayo sa sandaling matagpuan niya ang kinaroroonan natin. Hindi mo siya kilala. Hindi siya kumikilos na mag-isa."
Nararamdaman niya ang takot sa boses nito. Tumango siya. "Salamat," buong-pusong pasasalamat niya dito. "Maraming salamat sa pagligtas sa akin. Tatanawin kong isang malaking utang na loob ito."
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Ikukuha na muna kita ng makakain."

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...