MULING ipinatong ni Matthew ang ulo sa headrest ng upuan. Hindi niya na nagawang habulin si Liezl, alam niya namang mahihirapan siyang paamuhin ulit ito kapag ganoong nagtatampo na ito. Bakit niya ba kasi nasabi ‘yon?
Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. She was really beautiful. He missed her so much. Kanina pa niya pinipigilan ang sariling yakapin ito nang lumapit ito sa kanya at ayusin ang suot niyang kurbata. He missed her sweet scent and her dark brown eyes with those long lashes that were looking at him. He missed her smile and her laugh. He missed her like crazy pero nagawa niya pang inisin ito.
Napailing siya at itinutok ang paningin sa computer na nasa harap. Tama lang ang ginawa niya, mas mabuti na ang hindi niya na muna ito masyadong nakakausap o nakikita para hindi na lumala ang nararamdaman niya para dito. Best friend niya ito at hanggang doon lang ang maaaring relasyon na mamagitan sa kanila. Pagmamay-ari na ito ng kaibigan niyang si Justin Aguirre at sigurado siyang nagmamahalan ang mga ito. Kitang-kita niya ang pagmamahal sa mga mata ni Liezl tuwing kasama nito si Justin o kahit kapag nababanggit man lang ang pangalan nito. Ayaw niyang manira ng relasyon, ayaw niya ring masira ang pagka-kaibigan nila ni Liezl, kaya kahit nasasaktan siya tuwing makikita ang mga ito ay pinababayaan niya na lamang. Si Justin ang kaligayahan ni Liezl, at ang tanging nais niya lang para dito ay maging maligaya.
Itinuon niya ang atensiyon sa charts ng mga pasyente na hawak, mas mabuti na ang kalimutan niya ang nararamdaman para dito habang maaga pa. Bumuntong-hininga siya; it was really hard to love someone who loves another. He didn’t want to be a fool anymore.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...