NAIINIS na pumasok sa loob ng kotse niya si Liezl. Katatawag lang sa kanya ni Christopher at sinabing nasa society daw ng mga ito si Matthew ng mga oras na iyon. Ilang araw pa lang itong nakakalabas ng ospital, kung saan-saan na agad nagpupupunta. Kaya pala hindi sinasagot ang mga tawag niya kanina.
Pagkababa niya sa tapat ng Society Hotel ay mabilis siyang pumasok sa loob. Napatigil siya sa lobby nang makita ito kausap ang isang babae.
Agad na kumulo ang dugo niya sa nakikitang tawanan ng mga ito. Napatingin siya kay Thaddeus nang tumabi ito sa kanya.
"Hey, Liz," bati sa kanya ni Thaddeus. "Napadalaw ka 'ata dito."
Tiningnan niya ito ng masama. "Bakit hinahayaan mong may makalapit na babae kay Matthew?"
Napatingin ito kay Matthew at sa kausap nito. "Bakit? Bodyguard niya ba ako?"
Inirapan niya lang ito at galit na lumapit sa kinaroroonan ni Matthew.
"Baka gusto mo akong ipakilala sa bago mong kaibigan, Matthew?" sarkastikong tanong niya dito.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti.
Umismid siya. Nagagawa pa nitong ngumiti, ha?
"Anong ginagawa mo dito, sweetie?" tanong nito.
"Thanks a lot, Matthew," singit ng babaeng kausap nito. "I gotta go," paalam nito.
Galit na sinundan niya ito ng tingin nang lumakad ito palayo at napatigil nang masalubong si Christopher.
"Sino siya?" baling niya kay Matthew. "Isa sa mga bago mong babaeng dinadala dito?"
"Si Lyka?" umiling ito. "No, may pinag-usapan lang kami."
"Pinag-usapan?" she snapped. "Huwag mo akong lokohin, Matthew. Bakit dito pa kayo mag-uusap?" pinag-susuntok niya ang dibdib nito. "Sabi mo hindi ka na babalik dito?" naiiyak niyang sabi dito. "I hate you!"
Hinuli nito ang mga kamay niya at hinila siya palapit sa katawan nito. Pilit siyang kumakawala dito pero hindi siya nito pinapakawalan.
"Stop it, Liz," he said. "Listen to me."
"No, ayokong makinig sa'yo!" she cried. Napatingin siya sa tagiliran nang makita doon si Justin na nagtatakang nakatingin sa kanila, kasama nito ang pinsan ni Matthew na si Michael de Angelo.
"No, makikinig ka sa akin," napatingin ulit siya kay Matthew nang muli itong magsalita.
"I told you na pupunta lang ako dito for business. I did," he continued. "Come on, sweetie. I love you, hindi ka pa ba naniniwala doon? I love you so much and you mean the world to me. Ikaw lang ang babaeng pinangarap kong makasama habang-buhay, ang pinangarap kong maging ina ng mga magiging anak ko. I'm your best friend and the man who loves you more than any man can love you."
Napatigil siya sa pag-iyak. Pinakawalan naman nito ang mga kamay niya.
"I gathered some of the 'breakers' here for this," dagdag nito. Nagulat siya ng bigla itong lumuhod sa harapan niya. "Liezl Castro," panimula nito at hinugot ang isang maliit na kahon sa bulsa ng jacket nito at binuksan. She gasped as she saw the white-gold ring with a diamond on top of it. "Will you be my wife?"
Tears of joy started to fall from her eyes. Tiningnan niya ito ng buong pagmamahal at tumango.
Pinakawalan nito ang pinipigil na hininga at ngumiti. Tumayo ito at niyakap siya ng mahigpit. "Thank you so much, sweetie. Thank you!" muli itong lumayo sa kanya at isinuot ang singsing sa palasingsingan niya bago ginawaran ng halik ang mga labi niya. Tinitigan siya nito. "Lyka is a wedding coordinator, sweetie. Kaibigan ko siya galing sa U.S. Gusto niyang siya ang mag-ayos ng kasal natin."
Napalabi siya. "Hindi ko alam, I'm sorry."
"It's okay, sweetie," pinunasan nito ang mga luha niya. Then, he turned to look at Justin. Napatingin din siya dito. "I'm sorry, pare. And thank you."
Tumango si Justin at sa pagtataka niya ay ngumiti pa ito. "Just take good care of her, dude. Alam ko namang kayang-kaya mong gawin iyon."
Naiiling namang lumapit sa kanila si Michael. "Wow, that was kinda cool, cousin," wika nito kay Matthew. "Congratulations."
Napatingin din siya kina Thaddeus at Christopher nang lumapit ang mga ito.
"Hindi ko alam na susugod ka talaga dito, Liz," sabi ni Christopher sa kanya.
Tiningnan niya ito ng masama. "Plano niyo siguro iyon, ano?"
Ngumiti lang ito.
"Inabala pa kami nitong si Matthew para lang masaksihan ang proposal na ito," singit naman ni Thaddeus. "Ibabalita ko sa iba na may susunod na kay Rafael. Pakaunti na talaga ang mga 'breakers' na tumatambay dito," iginala pa nito ang paningin sa buong hotel. "Sino kaya ang susunod?" napatingin ito kay Christopher. "I heard nag-propose ka daw sa isang babae, Chris."
Lahat sila ay natuon ang paningin dito.
Tumawa lang ito at iiling-iling na lumayo sa kanila. "May aasikasuhin pa ako sa MicroGet."
"Whoa," Thaddeus shook his head in fascination. "Mukhang totoo nga iyon, ha?"
Hindi na niya ang mga ito napansin nang hilahin siya palayo ni Matthew.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya dito.
Hindi ito sumagot hanggang sa makarating sila sa elevator. Hawak-hawak lang nito ang kamay niya hanggang sa makalabas sila sa fourth-floor at tumigil sa tapat ng isang pinto. May kinuha itong susi sa bulsa at binuksan iyon.
"Ito ang private suite ko dito," wika nito nang makapasok sila.
Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng kuwarto. It was very luxurious and manly. Kulay asul ang kulay ng buong silid dahil sa mga ilaw na nakakabit doon. Mukhang sinadya talagang ganoon ang ilaw na gamitin. Tumingin siya dito. "Dito mo dinadala ang mga babae mo noon?" tanong niya dito.
Ngumiti ito. "Ikaw na lang ang makakapasok dito, sweetie," itinaas nito ang hawak na susi. "Ikaw na rin ang hahawak nito. I swear, wala itong duplicate."
Nawala naman agad ang tampong nararamdaman niya. Ginantihan niya ang ngiti nito. Kinuha niya ang susing hawak nito at ipinasok sa sariling bulsa. "Dapat lang, ano?"
Tumawa ito at humakbang palapit sa kanya. "Wanna try my bed here?" he teased. His eyes were playfully dancing while staring at her. Bumaba ang tingin nito sa mag-a-apat na buwan na niyang tiyan at marahan iyong hinaplos. "I'll be very gentle," he whispered. Muli itong tumingin sa kanya, hinihintay ang sagot niya.
Lumapit siya dito at marahang ibinaba ang zipper ng suot nitong jacket bilang sagot. He smiled and kissed her lips in a gentle way that still made her heart beat like crazy. Binuhat siya nito at marahang ini-higa sa kama, she stared at his eyes for a while.
"I love you, Matthew," she whispered. "Thank you for being my best friend and for loving me more than that."
Ngumiti ito. "I love you too, Liz," then he captured his lips once more for a loving kiss.
WAKAS
A/N: Kindly follow me here on wattpad for updated stories. Hope you can share this story to others too. Salamat ng marami. I will be out of the country this May 25 kaya pakihintay na lang ang sunod na Breakers na ipopost ko sa aking pagbabalik. ^_^
Available pa ang hardcopy ng novel na ito sa mga Precious Pages Bookstores and National Book Stores, ganoon din ang iba pang books ng series na ito. Hope you can support my published novels too. <3
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...